Chapter 51

133K 4K 433
                                    

Congratulations







Hindi ko masuklian ng ngiti ang ipinapakita ng babaeng nakatayo sa harapan namin ngayon. Tumayo pa sila para kamayan ito, hindi ako makagalaw. Hindi ako makapaniwala, kagaya ng isang napakalaking pagsabog ay para akong nabingi.

Naramdam ko ang pagdausdos ng kamay ni Kenzo sa aking bewang. Hanggang ang kanyang hininga ay nasa aking bandang tenga na.

"Baby, you okay?" malambing na tanong niya sa akin. Nakaramdam ako ng kiliti duon pero hindi man lang nagreact ang katawan ko dahil hanggang ngayon ay namamanhid pa din ako.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. May gumuho ding pagasa sa aking pagkatao. I want to be Frances Del Prado...pero hindi ko lamang iyon gusto, dahil malakas ang pakiramdam ko na ako iyon. Pero ano ito ngayon? May Frances Del Prado sa aking harapan.

Nginig ang labi ko dahil sa pinaghalong galit, iritasyon at inggit. Bayolente akong napalunok, bago ko muling naramdaman ang halik ni Kenzo sa aking ulo.

"Restroom lang..." paalam ko sa kanya. Sinubukan kong kumawala sa kanya pero pilit niyang hinanap ang aking mga mata. Hindi ko siya pinagbigyan, ginawa ko ang lahat para umiwas. Nahihiya ako, pakiramdam ko kung sino man ang tumingin sa mga mata ko ay makikita kung gaano ako nasaksaktan ngayon...kung gaano ako naiinggit.


Nagigting ang panga ni Kenzo ng mapansin niya ang namumuong luha sa aking mga mata. Bago pa man siya makapagsalitang muli ay nakaalis na ako. Hindi naman na ako napansin ng mga tao roon dahil busy sila sa presencya ni Frances.

Tuloy tuloy ang lakad ko patungo sa may restroom. Nagulat ang mga pinagtanungan kong nakauniform ng pang waiter, tuloy tuloy ang tulo ng luha mula sa aking mga mata habang kinakausap ko sila. Kaagad ko namang nakuha ang direksyon na ibinigay nila sa akin.


Sa kalagitnaan ng aking paglakad ay napahinto ako ng makita ko kung sino ang nasa aking harapan ngayon. Parehong madilim ang titig nila sa akin na para bang bagay ako na sobra nilang pinandidirihan. Napagtanto kong galing sila sa restroom, kung saan ako papunta.


Ngumisi si Fidez sa akin. Nanunuya. "Mrs. Herrer, huh?"

Hindi ko naman nakitaan ng kahit ano ang katabi niyang si Mandee. Matalim lang ang tingin niya sa akin. Gusto ko mang suklian ang matalim na tingin nila sa akin ay hindi ko magawa. Masyado akong nanghihina, hindi pa din ako maka move on sa nalaman ko kanina. Akala ko...akala ko ako si Frances.

"Let's go, Fidez...baka hinahanap na tayo ni Kuya Frank" walang kaemoemosyong yaya sa kanya ni Mandee.

Napaawang ang aking bibig. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Mandee at ang gulat naman sa mata ni Fidez ng humakbang ako palapit sa kanila. "Kuya mo si Frank? Yung Frances?" tanong ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung magkaaway kami. Kusa iyong lumabas sa aking bibig, desperada na akong magtanong.

Nakita ko ang paglaglag ng panga ni Fidez. Nagpapalit palit ang tingin niya sa akin at kay Mandee na hindi man lang natinag. Nagawa pa niyang humalukipkip sa aking harapan, matangkad ako. Pero mas matangkad siya sa akin kaya naman bahagya akong nakatingala sa kanya. Payat ako, pero mas payat si Mandee na pasok na pasok sa katawan ng pang victoria secret model.


"Why are you asking?" matigas na tanong niya.


Naramdaman ko ang panginginig ng labi ko. Gusto kong magsalita pero mas naramdam mo iyon kesa ang piliting may lumabas na salita sa aking bibig. Bumagsak ang tingin ko sa kamay ni Fidez na nakahawak na ngayon sa braso ni Mandee.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now