Chapter 8

107K 3.3K 1.1K
                                    

Ibang babae





Bigong bigo akong naglakad palayo duon. Ni hindi ko na makita ng maayos ang daan dahil sa paglabo ng aking mga mata dahil sa luha. "Tangina niyong lahat" inis na bulong ko bago ako muling napaiyak.

Hahakbang na sana ako pababa ng hagdanan ng biglang akong mapahinto ng may humawak sa aking braso. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko si Kenzo. Kitang kita sa kanyang pagmumukha ang pagaalala habang nakatingin sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong ko sa kanya. Pero imbes na sagutin niya ako ay mabilis niya akong hinila papalapit sa kanya at tsaka mahigpit na niyakap.

"Ikaw ang pinipili ko Sera" paos na sabi niya sa akin na ikinagulat ko. Ramdam ko ang paninigas ng aking buong katawan. Halos hindi maabsorb ng katawan ko ang kanyang sinabi.

"Damn, paulit ulit kitang pipiliin" madiing paguulit pa niya sa akin kaya naman bayolente akong napalunok. Natigil ako sa aking pagiyak.

"Mga kaibigan mo iyon Kenzo" malumanay na pagpapaalala ko sa kanya. Siguro nga magagalit ako sa kanya sa umpisa, pero maiintindihan ko naman kung sila ang pipiliin niya at hindi ako. Mas matagal at mas malalim na ang kanilang pinagsamahan.

"Kaibigan ko sila, pero kung hindi nila kayang respetuhin ang desisyon ko. Mas mabuti ng lumayo na muna ako sa kanila" sagot ni Kenzo sa akin kaya naman napakagat ako sa aking pangibabang labi.

"Gagawin mo iyon para sa akin?" hindi pa din nakapaniwalang tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi.

"Bakit hindi?" nakangiting tanong niya sa akin. Pero ramdam na ramdam ko ang pagod at pamomorblema sa kanyang boses.

Muling uminit ang gilid ng aking mga mata. "Bakit? Bakit mo ginagawa ito?" paos pang tanong ko sa kanya.

"Dahil mahal kita Sera. Sapat na iyong dahilan para ikaw ang piliin ko" paninigurado pa niya sa akin.

Halos malukot ang mukha ko dahil sa muling pagbabadya ng luha. "Kahit Bobo ako?" paninigurado ko.

Muli niyang hinawakan ang aking magkabilang pisngi kasabay ng marahan niyang pagpunas sa aking mga luha. "Hindi ka Bobo Sera" suway niya sa akin.

Dahil sa kanyang sinabi ay hindi ko na napigilan ang aking sarili na yakapin si Kenzo. "Ikaw lang ang naniwalang hindi ako mahina...ikaw lang ang nagsabi niyan" umiiyak na sumbong ko sa kanya. Nagtaas baba ang kanyang kamay sa aking likuran para patahanin ako.

Pagkatapos nuon ay pinagsiklop ni Kenzo ang aming mga kamay. Dahan dahan kaming bumaba sa hagdan na para bang ninanamnam namin ang bawat segundo nuon.

"Bakit mo nasabi na ako lang ang naniniwalang hindi ka mahina?" tanong niya sa akin kaya naman kaagad bumagsak ang tingin ko sa sahig.

"Hey, boyfriend mo ako. You can tell everything to me" sabi pa niya. Ramdam na ramdam ko ang gaan sa boses ni Kenzo. Parang nangaakit.

"Galit kasi ang Daddy ko sa akin. Gusto niyang tumulad ako kay Ate na matalino. Eh hindi naman ako matalino anong gagawin ko?" malungkot na kwento ko sa kanya.

Marahan niyang pinisil ang aking kamay. "Ang galing mo nga kanina sa exam mo" puri niya sa akin na ikinagulat. Mula sa kanyang bag ay inilabas niya ang lukot kong exam.

"Nasa basurahan ba yan ah!" gulat na sabi ko sa kanyan.

"Kinuha ko. Achivement to ng girlfriend ko. Dapat dito itinatago, ipaframe natin ito" sabi pa niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang hinampas sa braso.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now