Chapter 11

111K 3.4K 1.1K
                                    

Let's fix this



Hindi mawala sa aking isip ang nakita ko sa pagitan ni Mandee at ng boyfriend ni Valerie. Parang hindi ko naman nabalitaan na nagbreak sila. Kung ganuon niloloko niya si Valerie. Anong kailangan kong gawin? May kailangan ba akong gawin?.

"Uy Sera ok ka lang? Gusto mo ba ulit sa jail booth?" tanong ni Abby sa akin ng mapansin niya ang aking pagkatulala.

Napailing ako. "Wala may iniisip lang ako" sabi ko sa kanya kaya naman tumango tango siya. Pangalawang araw ngayon ng aming Pharmacoperya para sa aming pharmacy week. Dahil may rotation ay nalipat ako sa mga pagkain. Ang gagang si Abby ay nanatili dahil isa ang Mommy niya sa sponsor ng pagkain namin.

"Halimbawa nakita mo si Kenzo na may kahalikang iba, sasabihin mo ba sa akin?" tanong ko sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo. "Hindi ko naman nakita si Doc na may kahalikang iba" sagot niya sa akin kaya naman napairap ako.

"Gaga sabi ko nga kunwari eh" asik ko sa kanya kaya naman kaagad itong napakamot sa kanyang ulo at tsaka nag ngiting aso.

"Edi syempre sasabihin ko sayo. Kaibigan kita eh" sagot niya pa kaya naman napatango na lamang ako.

"Eh kung kaaway mo ako?" mapanghamong tanong ko pa sa kanya kaya naman humaba ang kanyang nguso.

"Edi buti nga sayo" nakangising sabi niya na ikinatawa ko dito.

"Gago" asik ko sa kanya na pareho naman naming ikinatawa.

Naging busy kami ni Abby sa pagaayos at pagluluto ng mga pagkain. Hindi naman hussle dahil karaniwan ay puro prito iyon at kung hindi naman ay to the rescue sa amin ang oven toaster na galing pa sa dorm ko. "Hoy Gago, nagugutom ako eh" asik ko kay Abby ng magkaasaran kami dahil sa pagtatago ng pagkain.

Tawa ito ng tawa habang kumukupit din siya. Natigil lamang iyon ng biglang dumating ang nakasimangot na si Valerie. Kung makatingin ito sa amin ay parang kami pa ang dahilan ng pagkabadtrip niya.

"Tama ba yang ginagawa niyo?" masungit na tanong niya sa amin kaya naman kaagad kaming napaayos ng tayo ni Abby.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Babayaran naman namin ah" laban ko sa kanya. Siya naman ngayon ang nagtaas ng kilay sa akin. "Babayaran niyo dahil nahuli ko kayo, kung hindi naman hindi rin" paliwanag pa niya kaya naman napanguso na lamang ako.

Muling nanlaki ang aking mga mata ng maalala ko ang tungkol sa boyfriend niya. "Ok ka lang ba Valerie?" biglaang tanong ko sa kanya na ikinagulat din niya.

Maging si Abby na nasa aking tabi ay nagulat din. "What?" naguguluhang tanong niya sa akin. Bakas ang iritasyon sa kanyang mukha.

"I mean, ok ka ba? Hindi ka ba broken hearted or what?" tanong ko pa din sa kanya na patuloy iniiwasang mapinpoint ang topic. Umikot ang eyeballs ng gaga na para bang isa akong malaking joke para sa kanya. Pag sinabi ko yung nakita ko dito iyak to!

"The hell you care Sera. Non of your freaking bussiness" mataray pa ding sagot niya sa akin kaya naman nagkibit balikat na lamang ako.

Hindi din siya nagtagal sa booth namin. Nagbanta pa ito na kung makita niya kami ulit na nangungupit ng pagkain ay isusumbong na niya kami sa aming professor. Naging busy kami lalo ng lumabas ang senior high. Halos magligo na kami sa pawis ni Abby lalo na at mainit sa quadrangle. Mayroon lamang malaking lona na nagtatakip sa amin sa sikat ng araw. Puno din ang taas ng mga banderitas dahil nga perya ang theme namin ngayon.

"Magkano sa bread roll?" tanong sa akin ng isang lalaki. Hindi ko siya nilingon dahil busy ako sa aking ginagawa.

"20 isa" sagot ko sa kanya.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now