Chapter 52

138K 4K 502
                                    

Proud







Ngayon lang ata ako hindi nagreklamo kakangiti. Kanina pa nakayakap sa aking leeg si Kianna habang pareho kaming nakaupo sa may hospital bed. Kumpleto silang lahat, si Gust at si Abby ay nakatayo sa magkabilang gilid ng aking hospital bed. Samantalang si Kenzo at Apollo ay seryosong naguusap malapit sa may pintuan.


"I'm so happy...Mommy!" malambing na sabi ni Kianna sa akin. Hindi pa din siya bumibitaw ng yakap sa akin kaya naman mas lalo ko din siyang niyakap at paulit ulit na hinalikan sa ulo.

"I wish it's a baby brother" patuloy pa niya, nagawa niyang hawakan ang tiyan ko kahit wala pang bakas ng pagiging buntis ko duon.

Matamis ko siyang nginitian bago ko hinalikan ang kanyang pisngi. Napatigil ako ng marinig ko ang pagprotesta ni Gust. Sinulyapan ko siya at tsaka ako nagtaas ng kilay. Ano nanaaman kaya ang problema nito?

"Sobrang saya ko dahil sa announcement niyo, pero mas magiging masaya ako kung ishare mo din sa akin kung paano yan nagawa" maarteng sabi niya. Napatawa ako, napahiyaw naman si Abby para suwayin ang mahalay naming kaibigan.


Pinanlakihan ko siya ng mata. Gustong gusto ko siyang murahin ng malutong, kung wala lang si Kianna sa aking tabi ay katakot takot na mura na ang natanggap niya mula sa akin.

"Manahimik ka nga diyan. Andito si Kianna" suway ko sa kanya, nginitian ko ang anak kong wala ding tigil sa pag ngiti.

Maarteng napapadyak si Gust. "Ano to? Samahan ng mga buntis..." pagrereklamo pa niya kaya naman napatawa si Abby sabay himas sa kanyang may kalakihan ng tiyan.

"Tito Gust, it's ok po...You can dress me up and let's do make overs" sabi ng anak ko sa kanya na para bang naiintindihan niya kung ano ang pinuputok ng butsi ni Augustine. Nginisian ko lamang siya, matalino ito...mana sa akin.

Mas dumoble ang pagaalaga ni Kenzo sa akin. Habang nasa hospital ay muli nanaman niyang ginawang clinic ang kwarto ko. Umaalis din naman ito paminsan minsan dahil sa mga kailangan niyang gawin.

Pwede na din naman akong lumabas pero masyadong over acting ang gago. "Umuwi na tayo..." yaya ko sa kanya.

Umiling siya habang ang kanyang mga mata ay nakatuon sa kanyang laptop. Napanguso ako at napasulyap din duon. "Gusto ko ng umuwi. Ayoko na dito" reklamo ko sa kanya.

Napatikhim siya at napatingin sa kanyang wrist watch na para bang nanduon ang sagot. "Mamaya, magpahinga ka muna" sabi pa niya kaya naman kumunot ang noo ko.

"Kanina pa ako nakahiga dito, tapos upo...ang sakit na ng likod at pwet ko ah" laban ko pa.

Napabuntong hininga siya bago niya sinarado ang laptop. Lumapit siya sa akin at yumakap. "Baby, wag matigas ang ulo" malambing na bulong niya sa akin. Ang isang kamay niya ay dumiretso sa aking bandang tiyan. Marahang nagtaas baba ang palad niya duon.

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin, ramdam ko na ang hininga niya sa aking tenga. "I made you pregnant" proud na bulong niya sa akin. Punong puno ng saya ang kanyang boses.

Napangiti na lamang din ako. Itinaas ko ang isang kamay ko para malambing na haplusin ang kanyang buhok pababa sa kanyang batok. "I made it...a baby in your tummy, uhm" malambing na sabi pa din niya. Parang bata ang gago.

"Ang galing Doc, congrats!" pangaasar ko sa kanya.

Napatawa din siya. Shit! Yung tawa...naiinitan ako!

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon