Chapter 55

147K 4.3K 1.2K
                                    

Nakabalik










Wala akong sinayang na oras. Sobrang bigat ng aking dibdin habang nasa byahe kami ni Kenzo pauwi sa bulacan. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay hindi na ako maiyak.



Hindi ko inakala na pwede pala iyon. Sa sobrang sakit ay hindi ka na maiyak kahit ang totoo ay iyon ang unang dapat response ng katawan mo sa oras na makaramdam ka ng sakit. Parang biglang nagshut down ang lahat. Wala na akong ibang maramdaman kundi ang pamamanhid ng aking buong katawan.


Panay ang sagot ni Kenzo sa tawag habang nagmamaneho. Patuloy pa din ang pagbuhos ng malakas na ulan kaya naman mas nagdoble ang pagiingat niya ng binaybay namin ang kahabaan ng north luzon expressway.



"Kasama ko siya. Oo, uuwi kami ng bulacan" seryosong sabi ni Kenzo sa kung sinong kausap niya sa kabilang linya. Hindi ko na masyadong inisip pa iyon. Ang tanging gusto ko lang sa ngayon ay makarating na.


Wala na si Daddy? Si Mr. Serrano. They met an car accident dahil na din marahil sa lakas ng ulan at madulas na kalsadal. Napasinghap ako ng naramdaman ko ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. Hindi pa nagsisink in kanina at alam ko sa sarili kong ayoko ding tanggapin ito.



"Susunod ang kuya Frank mo dito" pagbasag ni Kenzo sa katahimikan ng sandaling huminto ang sasakyan sa tollgate ng Bocaue exit.


Sinikap kong mariing pagdikitin ang aking mga labi para iwasan ang mga hikbing gustong kumawala. Nang tuluyan kaming makapasok sa bulacan ay mas dumoble ang bigat ng aking dibdib.


This is my hometown for the past years. Siguro nga ay kinalimutan ko ito kasama ng pagtakwil ko sa pamilya Serrano dahil sa ginawa nila sa akin. But this is a part of me. This place still feels like home sa kabila ng lahat ng nangyari.


Lumabo ang aking mga mata ng tingalain ko ang mataas na building ng BMMG hospital. Isa ito sa pinakamalaking hospital sa bayan ng Sta. Maria.


"Sera!" tawag ni Stella sa akin.


Hindi ako nakagalaw ng yumakap siya sa akin habang humahagulgol. Sa gilid ng emergency room ay nakita ko din sina Manang, tahimik na umiiyak. Humigpit ang yakap ni Stella sa akin kaya naman wala akong nagawa kundi ang yakapin siya pabalik.


"Si Daddy...wala na"


Ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat pagbigkas niya ng mga katagang iyon.


Nanatili si Mommy sa emergency room. Critical ang lagay niya kaya nama hanggang ngayon ay minomonitor pa din siya ng mga doctor. Nakita ko ang mabilis na paglapit ni Kenzo sa isa pang doctor ay nagpakilalang doctor din siya.



"Bakit ngayon pa? Bakit?" nagmamakaawang tanong ni Stella sa akin. Mariin akong napapikit ng sunod sunod na tumulo ang aking mga luha.


Hindi ko din alam. Wala din akong makuhang sagot sa mga nangyayari. Bakit nga ba ngayon pa? Kung kailan handa akong patawarin sila, kung kailan...imbes na hayaan silang maghirap at magdusa ay mas gusto kong mag bagong buhay sila.


Hindi kaya ni Stella na bumalik pa sa morgue para puntahan si Mr. Serrano kaya naman si Kenzo at si Manang ang nakasama ko pababa duon. Pilit ko mang tinatagan ang aking loob ay hindi ko kaya. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga tuhod habang papalapit ako sa walang buhay niyang katawan.


Gusto kong magmura. Ang makita ang hulma ng kanyang katawan na natatabuna ng puting kumot. Gusto kong magmura!


"Tumayo ka diyan!" madiing at galit na bulong ko.


The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant