Chapter 3

139K 4.2K 986
                                    

Message request




Lutang ako pagbalik sa table namin. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang epekto ng damuhong Kenzo na iyon. Ako dapat ang magmukhang intimidating sa aming dalawa, pero heto't ako ang nawawala sa sarili sa kada banat niya.

"Oh anyare sayo?" nakangising tanong ni Mia sa akin.

Napairap ako at kaagad kinuha ang bottle water. Inisang tungga ko iyon para bumalik ako sa wisyo. "Kitang kita ko, sinundan ka nung Med sa Cr" mapangasar na bulong sa akin ni Abby kaya naman kaagad ko siyang pinanlakihan ng mata. Mas lalo lamang siyang napabungisngis.

"Tikom mo yang bibig mo, tatamaan ka sa akin" pananakot ko sa kanya kaya naman nagngiting aso na lamang siya sa akin.

Magaalasonse na kami nagpasyang umuwi. "Tangina talaga neto ni Ivan. Never talagang nagfailed na ipahiya tayo sa lahat ng inuman" natatawang sabi ni Mia habang pinagtutulungang alalayan ni Rome at Harry ang lasing na lasing na si Ivan.

Nauna na silang lumabas para dalhin si Ivan sa sasakyan. Naiwan kami kasama si Mia, siya na ang nagbayad ng bill namin. Napahilamos ako sa aking mukha ng muli akong makaramdam ng hilo. Hindi sinasadyang muli akong mapatingin sa lamesa nila Kenzo at ang mabigat na tingin ng gago ang kaagad na sumalubong sa akin.

Titig na titig siya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin at hindi ko na napigilang itaas ang middle finger ko sa ere. Mas lalo lamang tumigas ang ekspresyon ng mukha nito. Inirapan ko pa siya bago kami tuluyang lumabas duon. Kahit nakatalikod ay ramdam na ramdam ko pa din ang tingin ni Kenzo. Hayop.

Nagpahinga ako sa dorm buong araw ng sunday. Tanghali na din naman ako nagising kaya naman halos hindi ko din naenjoy ang pahinga.

"Nagreview ka ba?" salubong na tanong ni Abby sa akin, umaga ng monday.

Ok na sana ang araw ko pero dahil sa tinanong niya ay mukhang maaga ding masisira. "Kailan ba ako nagreview ha Abby? Wag mo nga akong tanungin ng ganyan naiistress lang ako eh" bwiset na sabi ko sa kanya kaya naman kaagad na humaba ang nguso nito at tsaka niyakap ang hawak na handouts. Buong akala ko ay magrereview talaga ang gaga, pero ng lingunin ko ito ay bakadukdok na sa kanyang lamesa. Umagang umaga tulog ampota.

Habang naghihintay ay nagscroll muna ako ng facebook sa cellphone ko. Tamad kong tiningnan ang mga madradramang share post ng mga friends ko. Napapangiwi na lamang ako sa mga kacornihan ng mga kaklase kong in a relationship. Parang nung isang linggo lang iba kasama niya sa pic.

Kumunot ang noo ko nang lumabas ang notification. "Putang..." halos hindi ko matuloy ang dapat sanay malutong kong mura ng nakita ko ang friend request ni Kenzo sa akin. Hindi lang iyon natapos duon dahil pati sa aking messenger ay naghasik ng kagaguhan ang loko.

1 message requests from Kenzo Herrer

Nagdalawang isip pa akong buksan iyon. "Accept my friend request" pagbasa ko sa laman ng message niya. Naikuyom ko ang aking kamao.

Aba't ang tarantadong to, inutusan pa ako. Ang kapal ng mukha. Hayop. Imbes na iaccept ay kaagad kong idinelete ang message niya. "Manigas ka" gigil na sambit ko bago ko padabog na itinago ang aking cellphone sa bulsa ko.

Hindi ko na ulit sinubukan pang hawakan ang cellphone ko pagkatapos nuon. Basta ayoko! Galit pa din ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, basta galit ako sa kanya.

"Ubos na ang mask at gloves ko. Bibili ako sa labas, sasama ka ba?" tanong ni Abby sa akin bago kami umakyat sa GSB building para sa PCO laboratory namin. Inirapan ko siya, kahit naman tamad na tamad na akong bumaba ay wala akong magagawa kundi ang samahan siya.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon