Chapter 48

132K 3.8K 749
                                    

Kuya










Parang may kung anong malaking bagay ang bumara sa lalamunan ko habang nakatitig sa matandang lalaki sa aking harapan. Ang kanyang mga mata ay bumuhay sa kung ano sa aking dibdib. Ang pakiramdam na titigan niya ay nagpapahabag sa aking puso. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam na ito, pero parang naramdaman ko na ito nuon, hindi ko alam kung kailan pero mukhang matagal na.



"Sera..." nagtatakang tawag ni Kenzo sa akin. Naputol tuloy ang tingin ko sa Doctor at kaagad na nalipat sa kanya. Duon ko lang napansin na nasa tabi ko na siya.



Mabilis na gumapang ang kamay niya sa aking bewang. "Doctor Del prado. This is Seraphine Serrano. My wife" pagpapakilala niya sa akin duon sa Doctor na hanggang ngayon ay nakatingin pa din sa akin. Muli ko siyang sinulyapan tsaka ako nagiwas ng tingin.



Pakiramdam ko, pinagalitan ako ng magulang ng kalaro ko dahil inaway ko ito.  Napanguso na lamang ako, kahit may nararamdamang takot ay naiinggit din ako kay Fidez dahil may Daddy siya na nandyan para ipagtanggol siya. Kahit gaano pa siya kamali, kahit ang totoo ay siya naman ang naunang mangaway sa aming dalawa. Siguradong siya ang kakampihan ng Daddy niya.



"Daddy, this is nothing. Just a misunderstanding" seryosong sabi ni Fidez na hindi din makatingin sa amin ni Kenzo. Mukhang nakaramdam ng hiya dahil nasa harapan na namin si Kenzo.


"Bakit, anong nangyari?" nagaalalang tanong ni Kenzo sa akin. Nagawa pa niya akong paharapin sa kanya para lang makita ako. Bumaba din ang tingin niya sa kabuuan ko para icheck kung may mali sa akin o kung nasaktan ako.



"Sinampal ko si Fidez, kesa sinampal niya din ako" seryosong sabi ko kay Kenzo. Wala ako sa mood na magsinungaling ngayon. At anong magagawa ko? Iyon naman talaga ang totoo. Nagsampalan kaming dalawa ang mali nga lang ay nakita kami ng Daddy niya.



"Fidez, hindi iyon maganda...lalo sa public" rinig kong matigas na sabi ni Doc Del prado sa kanyang malditang anak. Napayuko si Fidez at tsaka tumango sa ama.


"Sorry, Dad. Hindi na mauulit" parang kaawa awa ito ngayon sa harapan ng Daddy niya. Eh parang kanina lang ay kung magbubuga ako ng apoy ay siguradong magbubuga din siya!.


Napatikhim ako ng muling bumaling sa akin ang matandang Doctor pagkatapos ay kay Kenzo. "I'm so disappointed. Kenzo" matigas na sabi niya dito kaya naman napanguso ako. Kita ko ang pagyuko ni Kenzo. Walang balak na manlaban.


Muli siyang tumingin sa akin kaya naman bumagsak ulit ang tingin ko sa sahig. "Sana ay hindi na ito maulit" pinal na sabi niya sa aming tatlo bago sila umalis ni Fidez sa aming harapan. Hindi ko na sana papansin at hahayaan na lang, pero may kung anong nagtulak sa akin para muling sumulyap sa kanila. Hindi ko alam kung bakit halos hanapin siya ng mga mata ko. Na para bang gustong gusto siyang makita ng mga ito.


Napabalil ako sa wisyo ng maramdaman ko ang hawak ni Kenzo sa aking siko. "Sinaktan ka ni Fidez? Ano pang ginawa niya sayo?" may diing tanong niya sa akin.


"Sampal lang" tipid na sagot ko sa kanya at muling sumulyap duon sa hallway kung saan nawala ang mag ama.



Hindi ko na nabanggit pa kay Kenzo ang naabutan ko sa clinic niya. Tama na sa aking nakita at narinig ko na pinapalayo niya sa Mandee sa amin. Iyon naman talaga ang dapat mangyari. Hindi kami makakapagumpisa kung palagi siyang aaligid sa aking magama. Kung gusto niya ay gumawa siya ng sa kanya. Akin ito kaya wala siyang habol dito!


"Damn. Patayan naman ito, kung hindi sa Soco ay sa imbestigador!" nakangiwing sabi ni Augustine habang nakaharap siya sa kanyang laptop.


The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now