Chapter 12

104K 3.4K 803
                                    

Pangako




Sandali akong nakipagtitigan kay Kenzo bago ko tinabig ang kanyang mga kamay na nakahawak sa akin. Kita ko ang gulat sa kanyang mukha, nang maglaon ay muli lamang pumingay ang kanyang mga mata.

"Wag mo na akong piliting magsalita, galit na galit ako sayo. Baka kung ano lang ang masabi ko" seryosong sabi ko sa kanya at kaagad na nagiwas ng tingin.

Balak sana niya ulit akong hawakan pero maagap ko siyang pinigilan. "Wag mo din akong hahawakan. Lumayo ka na muna sa akin, ayaw kitang makita" pagtataboy ko sa kanya at ngayon ay diretso na akong nakatitig sa kanya.

"Baby..." malambing na tawag niya sa akin. Imbes na manlambot ay naikuyom ko lamang ang aking kamao.

"Tsaka na kita kakausapin pag may sagot ka na kung ako ba o si Fidez ang pinipili mo" matigas na sabi ko pa sa kanya.

"Ikaw ang pinili ko Sera" laban niya sa akin.

Pagak akong tumawa bago ko siya tinaasan ng kilay. "Hindi ko nararamdaman Kenzo..." parang maiiyak na sabi ko pa sa kanya bago bumagsak ang mga mata ko sa lupa.

Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga. "I'll give you space then, pero hindi ako nakikipaghiwalay Sera..." paalala pa niya sa akin pero hindi na ako sumagot. Nanatili akong nakayuko bago bigong umalis si Kenzo sa aking harapan.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng panuorin ko kung paano siyang lumakad palayo sa akin.

"Tangina Sera lalaki lang yan" galit na utas ko sa aking sarili habang marahas kong pinupunasan ang aking mga luha.

Pinilit kong maging maayos paglabalik namin sa auditorium. Panay ang tingin sa akin ni Abby. Hindi naman siya nagsasalita pero alam kong nagaalala siya sa akin.

"Huy gusto mo chicka?" parang natatakot na tanong pa niya sa akin. Napairap ako sa kawalan, mabuti na lamang at may pagkachismosa akong taglay.

"Oh ano?" tamad na tanong ko pa sa kanya.

Lumingon muna ito sa kanyang likuran bago siya lumapit sa akin at bumulong. "Break na si Valerie at yuny boyfriend niyang med" sabi niya sa akin na ikinalaki ng aking mga mata.

"Bakit daw?" panguusisa ko pa sa kanya.

"Nahuli daw ata, may ibang babae" sagot pa niya sa akin kaya naman napaawang na lamang ang aking bibig. Sigurado akong si Mandee ang babaeng tinutukoy niya. Imbes ba magcomment ay nanahimik na lamang ako.

Galit ako kay Valerie, pero hindi naman ako umabot sa point na hiniling ko na mangyari iyon sa kanya. Babae din ako at alam kong masakit iyon para sa kanya. Lumipad ang isip ko sa kung saan buong program. Ni hindi ko na nga namalayang natapos na.

"Ingat ka" kaway ko kay Abby ng ihatid ko siya sa main gate ng school. Pagkasakay niya sa kanilang sasakyan ay muli akong pumasok ng campus para duon sa may 2nd gate ng PJP lumabas. Bibili pa kasi ako ng dinner ko at duon ko sa dorm kakainin. May ilang mga estudyante pa ang nakatambay sa quad, ganuon din sa may harap ng registrar.

Imbes na magfastfood ay pumunta na lamang ako sa isa sa mga sikat na karinderya around fatima. "Chicken curry po sa akin with rice take out" sabi ko sa tindera. Pinanuod ko kung paano siya magsandok at ibalot ang binili kong pagkain.

"65 pesos" sabi sa akin ng tindera kaya naman kaagad akong kumuha ng pera sa aking bag. Bago ko pa man maiabot iyon sa tindera ay nagulat na ako ng makita ko ang kamay ni Kenzo na nagaabot ng pera sa tindera.

"Ate pasamahan din po ng isang order nung gulay" seryosong utos niya dito kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong ginagawa mo dito? Di ba sabi jo ayaw kitang makita" galit na utas ko sa kanya. Kita ko ang pagtingin sa amin ng tindera pero hindi ko siya pinansin.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now