Chapter 54

137K 3.8K 554
                                    

Critical



Paulit ulit akong niyakap ni Kuya Frank habang nasa byahe kami. Hindi pa din ako makapaniwala. Sa tuwing dinadama ko ang paghalik niya sa aking ulo ay hindi ko pa din maiwasang hindi maging emosyonal. Hindi biro ang taong nasayang,  matagal ko silang hindi nakasama. Matagal na ipinagkait sa akin ng tadhan na makasama ang aking pamilya.

Bukod pa duon ay kahit naging maginhawa ang buhay ko kasama ang mga Serrano, may pagkakataong ramdam kong wala akong pamilya. Palaging ipinaparamdan sa akin ni Mr. Serrano na mahina ako at walang kwenta. Gayong mahal na mahal ako ng tunay kong pamilya.

"Hindi ko man lang nakita si Mommy" naluluhang sabi ko kay Kuya Frank. Pitong taong gulang ako ng huli kaming magkita. Hindi na ganuon kaklaro ang pagkakaalala ko sa kanya, pero sobrang sakit nuon at bigat sa dibdib. Siguro kung mas napaaga lang ang pagkikita namin, kung mas napaaga lang na bumalik ang aking alaala ay nagkita pa sana kami.

Humigpit ang yakap ni Kuya Frank sa akin. "Kung nasaan man si Mommy ngayon. Sigurado akong masaya na siya dahil nakabalik ka na" pagaalo niya sa akin pero hindi ko na napigilanh muling pamaluha.

Ikinulong niya ang aking maglabilang pisngi gamit ang kanyang maiinit na palad. Ang kanyang hinlalaki ay marahang pinunasan ang aking mga luha.

"Mahal na mahal ka ni Mommy...mahal na mahal ka namin" malambing na paalala niya sa akin kaya naman mariin na lamang akong napapikit at tumango.

Mas nadoble ang pagiingat ni Kuya Frank sa akin pagkadating namin sa hospital. Hindi pa pwedeng malaman nina Fidez at Mandee na alam na ni Kuya ang totoo hangga't hindi pa niya nahuhuli ang totoong kumidnap sa akin nung bata ako.

Ang tunay na magulang ni Fidez ang prime suspect. Ngunit dahil mukhang bihasa na sila sa gawaing ito ay pinoprotektahan sila ng malaking tao ay hindi naging madali para kay Kuya Frank. Nito lamang din naman nabuo ang Security agency na pinamumunuan niya. Kaya naman wala siyang pakialam sa mga negosyong gustong ipamana ni Daddy sa akin.

Ipinasuot niya sa akin ang kanyang kulay itim na trench coat. Hindi na lalayo ang laki at tangkad nila ni Kenzo. And speaking of Kenzo...

"Hindi ako nagpaalam kay Kenzo. Paano kung biglang magwala iyon?" tanong ko kay Kuya Frank habang naglalakad kami sa likod na bahagi ng hospital papasok.

"Papabugbog ko para manahimik" sabi niya na ikinalaki ng aking mga mata. Hindi nagtagal ay napangisi siya ng makita niya kung ano ang naging reaction ko.

"Wag kang magalala at may uutusan ako para kausapin siya" nakangising sabi pa din niya sa akin bago niya kinuha ang kanyang cellphone.

Kahit abala siya sa kausap sa kanyang cellphone ay nanatili ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Kung hawakan niya ako ay parang takot siyang mabitawan ako. Tipid akong napapangiti sa tuwing nakikita ko ang pagkakahawak ng aming mga kamay. Ganitong ganito kami nuon, nung mga bata kami sa tuwing namamasyal sa mall o kung saang lugar.

Pagkababa pa lamang sa sasakyan ay hahawakan na kaagad ni Kuya Frank ang kamay ko para hindi ako makalayo sa kanya. Kung protektahan niya ako palagi ay parang may kukuha sa akin. Masyado siyang protective.

"Wala na pong tao sa loob" salubong sa amin ng isang naka itim na lalaki. Ang suot niya ay katulad lang din nung suot ng mga sumalubong sa akin kanina. Isa din sa kanila ang nagdala ng sasakyan ko na nakasunod sa amin.

Marahang pinisil ni Kuya Frank ang kamay ko. Pumungay ang kanyang mga mata ng tingnan niya ako na para bang humihingi siya ng permiso kung handa na akong pumasok sa room ni Daddy.

Tipid ko siyang nginitian at tinanguan bago kami sabay na pumasok duon. Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng tuluyan ko ng makita ang kalagayan ni Daddy. Mahimbing ang tulog niya at maraming nakakabit na aparato sa kanyang katawan.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now