Chapter 49

131K 4K 679
                                    

Duyan











Halos magugat ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. Si Mandee? Kuya ang lalaking ito? Hindi ko maproseso ng mabuti ang mga nangyayari. Ang alam ko lang ay para akong nalulunod sa mga impormasyong unti unting lumalapit sa akin. I was aiming for this, naghahanap ako ng mga detalye at katotohanan tungkol sa aking tunay na pagkatao pero hindi ko inakala na ganito pala kahirap tanggapin ang mga bagay bagay. Gusto ko, pero parang hindi ako handa.

Inilapit pa lalo ni Mandee ang mukha niya sa tenga nung lalaki, hindi kasi sila magkarinigan lalo ng magsimula ng lumakas ang music sa buong lugar. Kita ko ang pagngiti ni Mandee at ang pagtango naman ng lalaki dahil sa kanyang sinabi.

Natatawang lumayo si Mandee, itinaas ng lalaki ang kanyang mga kamay para ituro si Mandee. "I'll be watching!" pagbabanta niya dito. Hindi ko alam kung bakit parag kumirot ang dibdib ko.

Para siyang isang kuya na over protective sa kanyang nakababatang kapatid. Ang swerte naman ni Mandee. Iyon ang paulit ulit na tumakbo sa aking isipan. Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdama ko. Nung una ay nakaramdam ako ng inggit kay Fidez dahil may Daddy siya, ngayon naman ay naiinggit ako kay Mandee dahil may kuya siya.

Isa kang dakilang inggitera, Sera!

Bayolente akong napalunok. Nagdalawang isip ako kung lalapit ako sa bar counter o babalik na lang sa kinauupuan namin kanina. Pero sa huli, mas nagpadala ako sa kagustuhan kong makita ng malapitan ang lalaki kanina. Dahan dahan ang nagawa kong paglapit, nakatuon ang kanyang atensyon sa kanyang hawak na cellphone. Sa harapan niya ay halos mangalahati na ang baso na mag lamang alak.

Kaagad akong tinanong ng bartender kung anong order ko. Medyo nautal pa ako ng sabihin ko sa kanya.

"Cocktail" tipid na sabi ko. Dahil duon ay nagangat ng tingin sa akin ang lalaki. Hindi ko alam kung ano anv eksaktong pakiramdam ngunit parang tumigil ang lahat ng magtagpo ang aming mga mata.

Mapupungay ang kanyang mga mata, may kakapalan ang kilay. Matangos ang ilong at  manipis ang mga labi. Napasinghap ako ng tipid niya akong ngitian. Ngiting hindi nangaakit, ang kanyang ngiti ay nagbibigay ng seguridad sa akin. Parang kuya sa kanyang nakababatang kapatid.

"Hi...hi" nauutal na sabi ko. Ni hindi ko nga alam kung tamang iyon ang panimula ko. Feeling close amputa!

Mas lalo siyang ngumiti sa akin. Pagkatapos ay lumipat ang tingin niya sa cocktail na inilapag ng waiter sa harapan ko.

"That's on me" sabi niya sa waitet tukoy sa inumin na inorder ko. Napaawang ang bibig ko. Ano?

"No...no. It's ok" pagpigil ko sa kanya. Lumapit lang ako sa kanya ay nakakuha pa ako ng libre. Marahan siyang umiling nakangiti pa din.

"Ako na. That's my treat for you" laban niya kaya naman hindi na ako nakapagsalita pa ulit.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong napatitig sa kanya pero pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala. "Ok ka lang miss?" nagaalalang tanong niya sa akin.

Kaagad akong napailing para makabalik sa wisyo. Shit, mukha tuloy akong ewan dahil sa pagkakatitig sa kanya. "Ok lang. Salamat dito" medyo naiilang na sabi ko.

Marahan siyang tumango. "No problem"

Sandali pang naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa naglahad siya ng kamay sa akin para magpakilala. "By the way I'm Frank" pakilala niya sa akin. Sandali akong napatitig sa nakalahad niyang kamay bago ako nagdesisyong tanggapin iyon.

"Se..Sera" pagpapakilala ko. Muli akong nakaramdam ng kumg ano ng mahawakan ko ang kanyang kamay. Dahil sa takot na may kung ano pang maramdaman ay mabilis ko din iyong binawi sa kanya.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now