Chapter 24

98.8K 2.8K 440
                                    

Sacrifice








Hindi ko magawang magsaya, kahit pa napasaya ko si Daddy dahil sa pagkakapasa ko sa summer class. Matagal ko ng pangarap na maramdamang proud siya sa akin. Nakuha ko na iyon pero alam kong may kapalit. May kapalit ang lahat ng ito.



"iFull payment mo na ang tution mo para sa first sem"


Tinanggap ko ang perang ibinigay ni Daddy sa akin. Tuiton fee ko iyon para sa darating na school year. Kung pagbubutihan ko, ito na ang last year ko sa pharmacy school. Makakagraduate na din ako sa wakas.



Magisa akong lumuwas papunta sa manila. Ngayong araw ang usapan namin ni Abby at Apollo na magenroll. Naging busy din si Kenzo dahil sa nangyari sa Daddy niya. Sa text at tawag na lamang kami madalas magusap lalo na't busy din siya sa school niya.


"So bati na kayo ng Daddy mo?" tanong ni Abby sa akin. Nanatili ang tingin ko sa frappe na iniinom ko. Ni hindi ko nga din alam kung talagang maayos na kami ni Daddy o baka dahil may kailangan lang siya sa akin kaya ganuon.



Nagkibit balikat ako. "Medyo maayos na ang pakikitungo niya sa akin. Hindi na kagaya ng dati..." malungkot na sagot ko kay Abby. Ramdam ko ang tingin nilang dalawa ni Apollo sa akin. Kahit sa paraan ko ng pagkwekwento ay lumalabas pa din yung lungkot.


"Eh bakit, parang ang lungkot mo pa din?" nagaalalang tanong ni Apollo sa akin.


Napanguso ako. "Nagaalala lang din ako kay Kenzo" sagot ko sa kanila.



Magkakaklase ulit kaming tatlo para sa first semester. Tuwang tuwa ang dalawa dahil naging regular student din kami sa wakas. Hindi namin inasahan na magagawa naming mahabol ang mga back subject namin.



Naging mabilis ang panahon. Mas lalong naging busy sa first sem dahil graduating na din kami sa susunod na semester. Mas mahihirap at mabibigat ang subjects.


"Sera, si Kenzo..." kalabit sa akin ni Abby. Nagtatawanan kaming tatlo sa loob ng classroom. Wala pang prof kaya naman maging ang mga kaklase namin ay maingay din.



Mabilis kong nilingon ang glassdoor ng laboratory. Kaagad akong napangiti ng makita ko siya. Hindi kami masyadong nagkita bago ang pasukan.


"Hi" nakangiting bati niya sa akin pagkalabas ko ng room. Hindi na ako nagdalawang isip pang yakapin siya, miss na miss ko na siya.


"Happy first day of class" nakangising bati ko sa kanya. Nginitian niya din ako bago niya ako hinalikan sa noo.


Ginantihan niya ang yakap ko sa kanya. Mahigpit iyon, bago ko naramdaman ang pagbuntong hininga niya. "I miss you...so much" malambing na bulong niya sa akin. Marahan kong hinaplos ang likod ni Kenzo, kahit pa maglambing siya sa akin ay ramdam ko pa din ang pagod sa kanyang boses. Nakita ko din iyon sa mukha niya.


"Ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong ko sa kanya.


Pinagdikit niya ang noo naming dalawa bago siya ngumiti sa akin. Kahit anong pilit niyang lakihan ang ngiti niya ay kita ko pa din ang pagod duon.



"Kamusta na ang daddy mo?" nagaalalang tanong ko.


"Nasa ICU pa din" marahang sagot niya sa akin. Bumigat ang dibdib ko para sa kanya. Muli ko siyang hinila palapit sa akin para yakapin siya.



"Magiging ayos ulit ang daddy mo. Gagaling din siya kaagad" pagpapagaan ko ng loob niya. Naramdaman ko ang halik niya sa ulo ko.


The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now