Chapter 58

136K 3.9K 872
                                    

Proud







Mas lalo akong natawa ng umangat sa ere ang aking mga paa dahil sa pagkakayakap ni Kenzo. Paulit ulit niya akong pinaulanan ng halik sa pisngi hanggang sa siniil niya ako ng halik sa aking labi dahilan kung bakit muling naghiyawan ang aming mga bisita.


Kapwa kami parang hinihingal ni Kenzo dahil sa sobrang tuwa ng pagdikitin niya ang aming mga noo. Nahiya na ata ang hangin dahil sa kanina pang pagdidikit niya sa akin sa kanyang katawan na para bang hindi siya nahuhusto sa lapit naming dalawa. Tangina, balak pa atang mag awarding with audience ng gago sa sobrang saya niya.



"Thank you...Thank you, I'm so happy Sera" parang maiiyak na sabi niya sa akin kaya naman napangisi ako.



Natigil lamang kami ng maramdaman namin ang paglapit ng umiiyak na si Kianna ang pagyakap niya sa aming dalawa. Mabilis akong kumalas ng yakap kay Kenzo para harapin ang aming anak.


Imbes na limuhod ako para mapantayan siya ay nagkusa na ang Daddy niya na buhatin siya. Panay ang tulo ng kanyang mga luha habang nakangiti sa amin at napapapalakpak pa.


"Why are you crying?" malambing na tanong ko sa kanya habang marahang pinupunasan ang kanyang basang pisngi.


"Mommy. I'm super duper happy...Tito Gust said that if your too happy should cry" sabi ng anak ko na ikinakunot ng aking noo.


Duon ko lang napansin na may hawak na camera ang baklitang si Gust at tuwang tuwa sa pagvideo sa amin.



"C'mon baby girl. Iyak pa...ipagaartista kita"


Tangina! Halos hubarin ko ang suot kong heels at ibato sa kanya. Alam kong masaya ang anak namin dahil magkakaroon na siya ng kapatid pero hindi naman kailangang maiyak pa siya. Masyado pa siyang bata para duon, minanipula nanaman ng siraulong ito.



Pinanlakihan ako ni Gust ng mata ng mapansin niya ang matalim kong tingin sa kanya. Kung ano ano talagang kalokohan ang alam!.


"What? This is for the memories" painosenteng sabi niya na para bang wala siyang kabalastugang ginawa sa anak namin at hindi ito pinaiyak.


Napailing na lamang ako at muling bumaling sa anak naming kanina pa binubulungan ng kung ano ni Kenzo para patahanin. "Mamaya papaiyak din natin si Tito Gust" paninigurado ko sa anak ko. Lintik lang walang ganti.


Napatawa si Kianna at tumaas naman ang isanh sulok ng labi ni Kenzo. Napanguso ako at kaagad na niyakap ang aking pamilya. Niyakap din nila akong dalawa kaya naman mas lalo akonh naging emosyonal.


Hindi ko kailanman naisip na ganito. Pinangarap ko ito, at nakakalula pa dinh isipin na nararanasan ko na ngayon ang mga pangarap ko lang nuon. Mahal na mahal ko ang mag ama ko at gagawin ko ang lahat para sa kanila. Iaalay ko ang buong buhay ko para sa pamilyang ito.



Marahil kaya ako nakasurvive sa ilang beses kong pagtatangka sa aking buhay ay dahil dito. Hindi na lang para sa akin ang buhay ko kundi para sa aking asawa at sa aking mga anak. I made a selfish decisions years ago by ending my life. But this time, lahat ng magiging desisyon ko ay makakaapekto na sa aming pamilya. So I need to be careful. I need to be strong for them, strong to support my husband to protect and love this family.


Nang mahusto kaming tatlo sa isa't isa ay nagpasya na kaming lapitan ang mga pamilya at mga bisita naming nakalimutan namin na kasama pala namin dahil sa ilang minutong pagiging emosyonal dahil sa sobrang saya.



The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now