Chapter 33

120K 3.4K 661
                                    

I need to go









Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa pintuang pinaglabasan ni Abby. Masaya ako para sa kanya, gustong gusto kong ipakita sa kanya ang pagiging masaya ko. Pero hindi ko maiwasang hindi malungkot. Araw araw akong hinahabol ng aking bangungot. Araw araw kong naaalala ang pait ng nakaraan. Hindi naging madali ang buhay ko sa nakalipas na walong taon, kung matatawag mo ngang nabuhay ako duon. Hindi ko alam, humihinga pero hindi nabubuhay.


Saktong alasingko ng hapon ng lumabas ako sa office. Hindi pa din ayos ang sasakyan ko kaya naman magtataxi ako pauwi sa condo ni Kenzo. As much as I want to convince myself na asawa ko na nga siya, hindi pa din maiiwasang maramdaman kong hindi naman ako kabilang. I feel like i'm still an outcast. Saling ketket sa lahat ng ito.


Malamig pa din ang turing niya sa akin ng mga sumunod na araw. Kakausapin niya lamang ako kung may importante siyang sasabihin. Pagkatapos ay parang hangin nanaman niya ako kung ituring. Mas mabuti na din ito, walang imikan, walang away.


"They're inviting us sa weekend. Lunch" tipid na sabi niya sa akin. Isang gabi ng magdinner kami.


Nanatili ang tingin ko sa aking plato. Ni hindi ko magalaw ang aking pagkain na nanduon dahil wala akong gana. Nakakawalang gana ang pagiging malungkot, ang bigat sa aking dibdib at ang pagooverthink. Nakakapagod na.


"Ok lang sa akin. Wala naman akong gagawin" tipid na sabi ko na ikinatango niya.

Naramdaman ko ang bigat ng tingin niya sa akin. Alam kong may sasabihin siya. Mabilis kong hinanda ang aking sarili.


"Ayaw mo ba ng pagkain?" tanong niya kaya naman kaagad akong napaayos ng upo. Hindi ko inasahan na iyon ang lalabas sa bibig niya. Buong akala ko ay kukulitin nanaman niya ako tungkol sa pagkagusto niyang magbuntis ako.


Hindi sa ayaw ko. Pero hindi pa ako handa. Hindi ko alam kung kailan ako magiging handa o magiging handa pa ba ako? Matapos ang nangyari nuon. Matapos kong mahalin ang batang nasa sinapupunan ko ay iniwan niya lamang ako.


Wala akong ibang sinisisi kundi ang aking sarili. Maraming pumasok nuon sa aking isip. Halos mabaliw ako, walang tumulong sa akin para malampasan iyon. Magisa lamang ako.


Uminit ang gilid ng aking mga mata. Mariin akong pumikit kasabay ng pagragasa muli ng mga mapapait na ala ala.


"Mommy, please po. Pakiusapan niyo naman po si Daddy. Please po..." umiiyak na pakiusap ko kay Mommy. Tanging pagluha lamang ang naisagot niya sa akin.


Halos lumuhod din ako sa kanyang harapan para lamang payagan nila akong umuwi sa pilipinas.



"Sera, anak..." pumiyok na tawag niya sa akin.



Napailing iling ako kasabay ng muling pagtulo ng aking mga luha. Parepareho naman ang sagot na ibinibigay niya sa akin sa tuwing nakikiusap ako sa kanya.


"Wala akong magagawa..."


Kagaya ko. Takot si Mommy kay Daddy. Nasa pilipinas pa lang kami ay ganuon na, paano pa ngayon na nasa poder kami ng pamilya ni Daddy. Andito halos ang mga kapatid niya.



"Kailangan pong malaman ni Kenzo. Gusto ko pong bumalik. Tulungan niyo naman po ako..." pagmamakaawa ko.



Magisa kong hinarap ang unang buwan ng malaman kong nagdadalang tao ako. Halos ikulong nila ako sa loob ng aking kwarto. Tanging mga katulong lamang ang naghahatid ng pagkain para sa akin. Ang katahimikan at pagiisa ay sadyang nagpapabaliw sa akin. Buong araw ako halos nakatayo sa bintana para lamang aliwin ang sarili ko.



The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now