Chapter 10

123K 3.5K 829
                                    

Magpapahuli ako


Hiyang hiya pa din ako dahil sa sinabi ni Kenzo. Mas lalo akong nagsumiksik sa kanyang leeg dahil dito. Muli kong narinig ang kanyang mahinang pagtawa. "Wag kang mahiya, normal lang iyon baby" pagaalo pa niya sa akin. Marahang nagtaas baba ang kamay niya sa aking likuran.

"Inaantok ka pa din ba?" malambing na tanong niya sa akin.

"Kaunti. Pero nanghihina ako" paos na sagot ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagtango tango ni Kenzo. Maingat akong gumalaw para magharap kami. Nanatili ang aking mga kamay na nakapulupot sa kanyang leeg.

"Kung hindi tayo tumigil magseSex na dapat tayo kanina di ba?" diretsahang tanong ko sa kanya. Kita ko ang kakaibang titig ni Kenzo sa akin. Napanguso ako, naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko dahil sa hiya pero ipinagsawalang bahala ko na lamang.

"Hindi tayo magseSex Sera. We can made love dahil iyon dapat. Mahal kita kaya hindi lang iyon basta sex" seryosong pagtatama niya sa akin kaya naman bumaba ang tingin ko sa kanyang dibdib. Ramdam ko din ang pagtitig ni Kenzo sa akin.

"Masyado ba akong bata para sayo?" mahinang tanong ko pa sa kanya.

I heard him chuckle. "Ilang taon lang ang agwat natin" sagot pa niya sa akin kaya naman mas lalo akong napanguso. "Kasi palagi na lang sinasabi ni Fidez na bata ako. Palibhasa Lola na siya" inis pang sabi ko kaya naman napatawa si Kenzo.

"Hindi ka na bata Sera, pero baby kita" pangaasar pa niya sa akin kaya naman imbes na mangiti ay pabiro ko siyang sinabunutan.

"Gago, baka mamaya marami ka ding ibang baby. Madaming magaganda sa college of medicine tapos matatalino pa" asik ko sa kanya. Nanatili siyang nakatitig sa akin na para bang gandang ganda siya sa akin. Tangina talaga netong lalaking to.

"Ikaw lang ang baby ko. Uhm my baby Sera" malambing na sabi pa niya sa akin kaya naman hindi ko napigilang halikan siya sa labi.

"Mag aaral ka pa di ba?" nakangising paalala ko sa kaya kaya naman natawa din siya.

Maingat akong umalis sa pagkakakandong sa kanya. Inayos ko ang aking palda "Hay naku, nalukot tuloy" pangaasar ko sa kanya pero nagtaas lamang siya ng kilay sa akin.

"Ako na ang magplaplantsa bago tayo bumalik sa school" pagprepresinta pa niya kaya naman nagulat ako.

"Hindi na ako na. Parang sira to" natatawang suway ko sa kanya. Sandali akong nagpaalam kay Kenzo na magbabanyo ako. Nakangisi ito sa akin na para bang alam niya kung bakit ko kailangang pumunta duon because i'm freaking wet!

Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong tahimik na itong nakaupo at nakatutok sa kanyang hawak na handouts. Imbes na sitahin ay tahimik na lamang akong naglakad papunta sa aking kama. Dumapa ako duon dahil sa sobrang pagod at antok. Nung una ay nakatalikod ang ulo ko sa gawi ni Kenzo. Pero kaagad ko siyang nilingon at naabutan kong nakatingin din siya sa akin.

"You can sleep. Gigisingin kita bago mag alatres" malambing na sabi niya sa akin kaya naman napatango ako hanggang sa pumungay ang aking mga mata. Sa huli ay hindi ko na napigilan pa ang antok at tuluyan ng nakatulog.

Nagising na lamang ako ng maramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone. Tamad ko iyong inilagay sa aking tenga.

"Hello..." paos at iritado pang sabi ko sa tao sa kabilang linya.

Kaagad akong napadilat ng marinig ko ang boses ni Abby. Napaayos ako ng upo at nakita ilang minuto na lamang ay alaskwatro na. Kaagad akong napatingin kay Kenzo at nakitang nakapikit ito habang nakasandal sa sofa. Hawak pa din niya ang kanyang handouts at mukhang nakatulog din.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon