Chapter 23

98.9K 2.8K 480
                                    

Pagtanggap








Wala akong ibang hinangad nuon pa man kundi ang maging proud si Daddy sa akin. Sinubukan ko ang lahat, ginawa ko ang lahat para kahit papaano, kahit hindi ko malagpasan ay mapantayan ko man lang si Ate Stella. Bata pa lang, achiever na talaga siya. Tumanda akong nangangarap na darating ang oras na magiging proud din si  Daddy sa akin. At kung dumating man ang oras ba iyon, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.

Nanikip ang dibdib ko habang paulit ulit na tumatakbo sa aking isipan ang mga salitang binitawan niya patungkol sa akin. Ako? Isang ampon? Hindi sila ang tunay kong mga magulang, kung ganuon sino ako?

"Hindi po iyan totoo, Daddy!" umiiyak na pakiusap ko sa kanya. Umaasang bawiin niya ang sinabi niya sa akin. Hindi! Ayoko, anak nila ako.

Sinubukan akong hawakan ni Mommy. Hinawakan ko din siya pabalik. "Mommy, di ba anak mo ako?" umiiyak na tanong ko sa kanya.

Mas lalo akong naiyak ng makita kong mariin siyang pumikit. Bumuhos din ang luha sa kanyang mga mata, hindi niya ako sinagot. "Mommy, please" pumiyok pang pakiusap ko sa kanya.

Namanhid ang buong katawan ko ng makita ko ang kanyang pagsinghap. "I'm sorry, Sera. I'm sorry..." umiiyak na sabi niya sa akin. Napaawang ang bibig ko, wala na akong masabi, wala ng salitang gustong kumawala sa aking bibig.

"C'mon Sera, hindi kami mawawala sayo. Iyon ay kung susundin mo ang gusto namin" pagkuha ni Daddy ng atensyon ko. Bumaling ako sa kanya, walang kaemoemosyon ang kanyang mukha, bukod sa iritado siya sa akin at galit.

"Bakit po? Paano?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya. "Simula nung inampon ka namin, lumago ang negosyo. Swerte ka nung una, pero ngayon..." mapanuyang sabi niya sa akin na may kasama pang pagiling. Disappointed siya sa akin ngayon, kailan ba hindi? Tangina! Wala na akong nagawang tama sa buong buhay ko.

"Nasaan po sila kung ganuon? Ang tunay kong pamilya?" sunod sunod na tanong ko sa kanya. Desperada na akong malaman kung sino ba talaga ako. Saan ako nanggaling? Paano na ako?

Halos manlabo ang paningin ko dahil sa mga luha, walang sawa silang lumalabas sa mata ko. Ayaw tumigil.

"Kami ang pamilya mo, Sera. Kami lang..." matigas na sabi sa akin ni Daddy.

Marahan akong umiling at mariing napapikit. "Gusto ko pong malaman"

"Wala na sila, matagal ng patay ang tunay mong mga magulang. Wala din silang nabanggit na mga kamaganak" seryosong sagot niya sa akin.

Bumagsak ang mata ko sa lupa. Sa isang iglap lang, biglang nawala ang lahat sa akin. In just a snap, i feel so lost and empty.

Naramdaman ko ang dahan dahang paglapit ni Daddy sa akin. "I gave you my name, I gave you everything you want. Hindi ka kailanman nagutom, pinagaral kita at binihisan" parang punyal na isa isang tumusok sa akin ang bawat salita ni Daddy. Isinumbat niya sa akin ang lahat ng ibinigay niya sa akin kaya naman wala akong choice kundi ang mga give back.

Matapang ko siyang tiningala sa kabila ng aking panghihina. "Kahit ano po, gagawin ko. Wag lang po iyon, Daddy. Please po..." pagmamakaawa ko sa kanya. Ngumisi siya sa akin.

"Gaano ka kasigurado diyan sa boyfriend mo?" mapanuyang tanong niya sa akin. Hindi kaagad ako nakasagot, sigurado ako kay Kenzo. Siguradong sigurado.

"Bago pa lang kayo, paano mo nasisiguradong kayo hanggang dulo? Na hindi ka niya iiwan at sasaktan?"

Mas lalong dumoble ang paninikip ng aking dibdib. So it's Kenzo versus my family now huh?

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now