Chapter 38

123K 3.6K 741
                                    

This chapter contains, Kenzo's POV 8 years ago. Enjoy reading! Love lots, Maria.
_______________________



Sulat








"Pagod na ako" umiiyak na sabi ni Sera. Nabato ako sa aking kinauupuan. Naghalo halo lahat ng pagod, puyat at sakit sa aking sistema. I'm not gonna loose her, hindi pwede.

Hindi ko maipagkakailang nawalan ako ng oras sa kanya this past few days. Naging abala ako sa companya namin at kay Daddy. Kailangan ako ng aming pamilya, maging sa pagaaral ay halos mawalan din ako ng oras. Ilang exam ang naibagsak ko. Wala halos akong matinong review dahil sa pagod at puyat.

Bumigat ang dibdib ko, habang tinitingnan ang umiiyak na si Sera sa aking harapan. I know, nahihirapan ka na din, Baby. But please, don't give me up this time. I really need you.

Maingat kong iginaya ang ulo niya sa aking dibdib. Let me hug you, ipaparamdam ko sayo kung gaano kita mahal, may rhe warmth of my hug reminds you that you are safe with me, that I do love you. Hindi natin kailangang maghiwalay.

"Shhh...I'm here, Sera. Andito ako palagi para sayo" paninigurado ko sa kanya. Hahatiin ko ang katawan ko kung kinakailangan. Kahit maubos ako, basta ay hindi ako magkulang sa kanya. Gagawin ko lahat, para hindi niya maisipang makipaghiwalay sa akin.

Ilang beses akong bumulong sa kanya na babawi ako, sinisigurado ko sa kanya na kung nakukulangan pa siya sa oras na ibinibigay ko ay dodoblehin ko. Hanggang sa maubos ang lakas ko, hanggang sa bumigay ang katawan ko.

Bumigat ang aking paghinga kasabay ng pagkirot ng aking puso ng kumalas siya ng yakap sa akin. No baby, don't do this.

Pumungay ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Pilit kong hinuhuli ang mga maga niya ngunit pilit na itong inilalayo sa akin. Please baby. Mariin siyang napapikit, hindi ko napigilang mapasinghap dahil sa sumunod niyang sinabi sa akin.

"Cool off, muna" halos pabulong ng sabi niya pero rinig na rinig ko iyon. Ayoko man sana, ngunit malinaw iyon sa aking pandinig.

Bakit? Bakit ngayon pa? Kung kailan mas kailangan ko siya?

Marahan ko siyang hinawakan sa kanyang magkabilang braso. Marahan ko din iyong pinisil. Is this for real? Sigurado ba siya dito? Hindi ako papayag, maybe may problema siya? Pwede naman niyang sabihin sa akin. Marami din akong problema ngayon, but God knows kaya kong bitawan ang lahat ng iyon para sa kanya. Siya ang una palagi, siya palagi.

"Kailangan mo ng space, baby? Sure. Pero hindi tayo maghihiwalay" madiing sabi ko sa kanya. I can't let that happen. Alam niyang susundin ko ang lahat ng hilingin niya sa akin. I am badly smitten, luluhod ako sa harapan niya, just to please her. Everytime.

Ramdam ko ang panlalamig ng relasyon naming dalawa. Hinayaan ko na muna, kailangan niya ng space? I'll give her that. Kailangan niya lang makapagisip, but still. Kami pa din, hindi ito matutuloy sa hiwalayan. Hindi ako makakapayag.

"Kenzo, anak. Umuwi ka na muna sa bahay at duon ka magreview" malambing na sabi ni Mommy sa akin. Halos sa hospital na ako tumira. Sinubukan ko ding magreview duon kahit alam kong wala naman talagang pumapasok sa utak ko. Ang dami dami kong inisiip. Kailangan ako ng pamilya ko ngayon. Kailangan kong maging malakas.

Napatingin ako kay Dad. Nanatili siyang walang malay. Ilang araw na siya sa ICU. Naiwan sa akin ang lahat ng trabaho sa companya. Piero is in Spain, si Tadeo ay busy sa pagsusundalo niya. Cairo is useless.  Nagkaroon ng shoot out sa bulacan kung saan binabalik nilang magtayo ng isa pang warehouse para sa mga cargo at malalaking machinery namin.

Cairo is the target. Pero sinalo ni Dad ang bala para sa aking kapatid. Pareho silang sugatan pagkatapos nuon. Mommy is weak because of her heart condition. I need to stand for this family. Ilang beses halos bumigay ang katawan ni Dad. He was shot not just once. May edad na siya at hindi na ganuon kalakas pa ang kanyang katawan. He is very critical.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now