Chapter 20

124K 3.1K 569
                                    

Confession








Nanatili ang titig ko kay Augustine. Ano bang sinasabi ng lalaking ito? Kung makapagsalita siya ay parang naenjoy ko talaga ang dinner kausap siya. Ni hindi ko nga siya ganuong tinatapunan ng tingin! Bwiset.

Napatingin ako kay Kenzo ng maramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa aking kamay. "Let's go" walang kaemoemosyong yaya niya sa akin. Tipid lamang akong tumango

Walang imik naming nilagpasan si Cairo at Augustine. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Siguradong malalagot nanaman ako nito kay Kenzo. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin, pinagmasdan ko din ang kanyang likuran habang patuloy kami sa paglalakad pabalik sa opisina ng kanyang Daddy.

Buong akala ko sa mga pelikula lang yung mga ganitong klaseng lalaki. Hindi ko naisip na isang kagaya ni Kenzo ang magkakagusto sa akin. Sino ba naman ako? Isang palabagsaking pharma student, sinusuka na nga ako ng pamilya ko. Gusto ko minsang tanungin si Kenzo kung anong nagustuhan niya sa akin. May kagusto gusto ba talaga sa akin? Marami namang babaeng mas bagay sa kanya. Pero ako pa din yung pinili niya.

"Nasa loob na po si Sir Alec" nakangiting salubong sa amin ng secretary nito. Nakita ko ang marahang pagtango ni Kenzo. Napanguso tuloy ako, sigurado kong galit siya sa nangyari kanina.

"Uhm Kenzo" tawag ko sa kanya. Kinabahan nanaman ako, first time kong makikita ang Daddy niya. Ganito yung napapanuod ko sa mga drama sa tv. Baka masungit ang daddy niya, tapos aayawan ako dahil hindi naman kami ganuon kayaman. Pagkatapos pipilitin niya kaming paghiwalayin ni Kenzo.

Ipaglalaban kaya ako ni Kenzo? Ipaglalaban kaya niya ako?

"Why?" marahang tanong niya sa akin ng lingonin niya ako.

"Nahihiya ako" sumbong ko sa kanya. Hindi pa naman ako ganuon kadaldal, hindi ko alam kung paano kakausapin ang Daddy niya.

Sandali siyang nagtaas ng kilay sa akin. Binitawan niya ang aking kamay, inilipat niya iyon sa aking likuran, sa may bandang bewang.

"Kasama mo ako, wala lang dapat ikahiya. Sera..." pagpapagaan niya ng loob ko. Kahit pa ginawa niya iyon ay ramdam ko pa din ang kakaiba sa kanyang boses. Sigurado hindi pa kami tapos, kailangan kong paghandaan ang mga tanong niya sa akin mamaya tungkol kay Augustine at sa nangyari sa aming dinner.

Marahan akong tumango sa kanya. Kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam ng makita kong nakangiti na ang daddy niya pagkapasok namin. Ok hindi siya mukhang masungit. Inilibot ko ang aking mga mata sa loob ng kanyang opisina, ngayon isinampal sa akin na hindi lang basta basta ang yaman nila Kenzo. Malayong malayo sa kung ano ang estado ng buhay namin, like duh! Group of Company sila at family owned iyon.

Muli akong napatingin sa Daddy ni Kenzo. Nakangisi na ito ngayon habang nakatingin sa kanyang anak. Napanguso tuloy ako, halata kasing inaasar nito si Kenzo.

"Dad, I want you to meet Sera. Girlfriend ko" pakilala nito sa akin. Bayolente akong napalunok bago ako tipid na ngumiti kay Mr. Herrer

"Good morning po" nahihiyang bati ko sa kanya.

Nakangiti siyang tumango sa akin. Hindi mapagkakailang sa kanya nakuha nung quadruplets yung tangkad ag kisig ng katawan. Kung titingnan mo ito ngayon, pwedeng pwede pa siyang makipagkumpitensya sa kanyang nga anak. Nasisigurado kong, pantasya din ito ng mga babae nung kabataan niya.

"I heard a lot about you, Sera"

Nanlaki ang aking mga mata, mukhang naikwekwento nga talaga ko ni Kenzo dito. Sumulyap ako sa aking katabi ngunit nakapoker face lamang siyang nakatingin sa ama. Sungit!

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now