Chapter 45

159K 3.7K 786
                                    

Ready







Ilang araw pa akong nagtagal sa hospital. Sa mga araw na iyon ay hindi ko naramdaman na magisa ako, kung hindi si Augustine ang nagbabantay sa akin ay nanduon naman ang aking mag ama. Halos gawin na ngang office ni Kenzo ang kwarto ko. Tahimik akong nanunuod ng tv habang nakaupo sa may hospital bed. Busy si Kenzo sa may sofa, kaharap niya ang kanyang laptop na nakapatong sa may center table.

Nasa school pa si Kianna at kakauwi lang din ni Augustine para makapagpahinga. Napahikab ako kahit halos buong araw naman akong tulog. Dahil sa aking paghikab ay napasulyap si Kenzo sa akin. Inirapan ko siya, wala lang trip ko lang. Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi dahil sa aking pagirap sa kanya.

"Sungit" bulong niya sabay nguso.

Uminit ang pisngi ko dahil sa kanyang ginawa. Tanginang nguso yan! Nawala ang atensyon ko sa kanya ng makita ko ang pagilaw ng cellphone ko na nakapatong sa may mataas na bed side table. May vase din duon ng bulaklak at get well soon card. Nakatanggap din ako nuon galing sa office, nabalitaan nila ang nangyari sa akin. Si Kenzo na muna ang nagaasikaso duon.

Kumunot ang noo ko ng makita kong unknown number ang nagtext sa akin.

Unknown number:

Can we talk? Please, Sera.
-Stella Serrano

Ilang minuto akong napatitig sa aking cellphone. Nagtatalo ang aking isip kung sasagutin ko ba siya o babaliwalain na lang ang message niya sa akin. Para saan pa? Hindi ba't nagusap na sila sa korte? Pilit nilang inilalaban ang karapatan nila sa manufacturing kahit ang totoo ay wala naman na silang kalaban laban.

Ako:

Para saan pa? Hindi ko na ibabalik sa inyo ang manufacturing.

Napanguso ako at tsaka tamad na ibinalik ang cellphone sa may bed side table. Napatingin ako kay Kenzo ng makita ko ang pagtayo nito, hawak niya ang kanyang cellphone, diretso ang tingin sa akin. Humalukipkip ako.

Ngumisi siya ng tuluyang makalapit sa akin, kaagad niya akong hinalikan sa ulo. "I need to go to a meeting. Kailangan iyon para sa nalalapit na PMA ball" paalam niya sa akin. Mabilis na yumakap sa aking bewang ang kanyang braso.

Tumango na lamang ako sa kanya kahit hindi ko pinuputol ang tingin ko. Nagtaas siya ng kilay sa akin, hanggang sa bumaba ang tingin niya sa aking labi. Muling uminit ang pisngi ko dahil duon. Bahagya kong tinulak ang balikat niya. "Alis ka na nga..." pangaasar ko sa kanya.

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi dahil sa aking ginagawa. "Pwede namang hindi ako umattend duon, siguro?" natatawang sabi niya sa akin kaya naman sinimangutan ko siya. Nanatili ang tingin niya sa aking labi.

Halos mamanhid ang buong katawan ko dahil sa kanyang kakaibang titig sa akin. Nangaakit pa ata ang loko. Wag niya akong aakitin dahil never kong pinangarap na gawin iyon dito sa hospital! Kahit pa sa kanya ito!

"Uy, Kenzo!" tawag ko sa kanya. Dahil sa aking pagtawag ay nagangat siya ng tingin sa akin.

"Can't wait to bring you home..." mapangakit na sabi niya. Halos lumuwa ang mata ko, tangina talaga neto!

Hinampas ko ang braso niya. "Ang bastos mo! Kagagaling ko lang sa ak..." hindi niya na ako pinatapos sa mga hinaing ko ng mabilis niya akong hinapit palapit sa kanyang katawan. Napahalakhak siya dahil duon.

"Ang dumi dumi ng isip mo...kahit kailan" pangaasar niya sa akin. Natatawa pa din kaya naman mas lalong uminit ang pisngi ko. Halos kurutin ko ang tagiliran niya, bahagya siyang lumayo sa akin. Hindi pa ako nakuntento at kinurot ko siya ulit, mas gigil ngayon.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang