PROLOGUE

767 36 14
                                    

BE THE WAY FORWARD
WRITTEN BY: TATTERDEMALION

This is the work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incident are either the product of author's imagination and used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or events is purely coincidental.

No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means without the author's permission.

And also, i want to remind you that this story is unedited. I'm always updating a typographical, grammatical, or spelling errors in my chapters so be bare with me.

Before you read this story, I just want to say thank you. I hope you can be with me until last...





PROLOGUE

OUT

"Kristina!!" Napapikit ako. Nagpapadiyak sa inis ang paa ko. Nandidilim ang paningin ko. At wala akong pakealam kung mamaos man ako kakasigaw kay mama.

Iminulat ko na ang mga mata kong kanina pang gustong umiyak. "What?! Mali ba ako?? I-it's just an accident. It will never happen again" paliwanag ko kay mama.

Nag-aaway kami ngayon. Literal na hindi ako sanay sa ganitong set up naming dalawa. At hindi ko rin kilala ang sarili ko ngayon, sumasagot ako sakanya. Disrespectful, pero may karapatan akong magdemand sakanya. Dahil karapatan ko ang kinokontra niya ngayon.

Nagsilabasan ang wrinkles sa mukha ni mama. Stress siya ngayon, dahil saakin. Wala naman akong magagawa, kailangan ko ring patunayan na may tama ako sa mata niya ngayon.

Archer is the one we talk about right now. I know him, he won't do this to me. Pero napakamartyr ko na rin kung dedepensahan ko pa siya ngayon. With that accident happen. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang makita ngayon. Ewan ko, nakakagulo ng isip. Maraming problema ang pumapasok sa isip ko, una kay arch, at mas malala ay ang gustong mangyari ni mama para saakin.

"Accident?? Tingin mo ba aksidente lang yun? Ginusto niya yun at kahit kailan sinadya niya yon! Intensyon niya yon!. Hindi mo parin ba ako maintindihan?? I'm just doing this for you kristina"

Nageecho ang boses ni mama sa tainga ko.

"Pero mama. Matanda na ako, kaya ko na ang sarili ko. At k-kung gusto niyo, makikipagbreak na ako sakanya" pagbibigay ko ng option.

Sigurado ba ako?

Malamang, kahit na ipaglaban ko pa siya magbebreak lang naman ulit kami dahil ayaw ni mama sakanya. At tiyaka wala narin naman akong rason para ipaglaban ko siya.

"Aba. Dapat lang na makipaghiwalay ka sakanya. Pero". Napabuntong hininga siya. Problemado. " Buo na ang disisyon namin ng papa mo. Doon ka muna sa tita mo" nangilid ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Si mama, papa, laban saakin na nagiisa lang.

Wala akong magagawa ngayon.. Sh*t.

"Mama naman" nanlumo ako. Nakaramdam ako ng lungkot ng mga sandaling iyon. "Paano ang school ko? Yung mga requirements ko?? At sayang yung i-ti-TF sakin next week. And yung friends ko"

Malaki ang talent fee na sana ay makukuha ko next week.. Hindi ko naman kayang pabayaan yun dahil malaking tulong na yun saakin.

"Kaibigan... Those are all bad influences!! Don't you see?" Itinaas niya ang kamay niya na parang kinokontra ako.

Gusto kong magwala, gusto kong maglayas.. Ayaw ko sa plano niya para sakin.

Iniisip ko palang.

Iniisip ko palang.....

Be The Way Forward ✓ Where stories live. Discover now