CHAPTER 19

35 8 0
                                    

CHAPTER 19

LAST DAY TOMORROW

Kael kiss me, softly. This alcoholic scent makes me grave for him. Hindi niya ginagalaw ang labi niya, nakadikit lamang ito saakin. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ba 'toh?? Anong dapat kong gawin?? Kakalas ba ako?? O mananatili lang na ganito? Iba ang sinasabi ng isip ko sa dinidikta ng puso ko. Napasinghap ako ng mawalan ako ng hininga. Napamulat siya at nagtama ang paningin namin. Nanlaki pa nga ang mga mata nito.

Agad niyang kinalas ang labi niya sa labi ko. Gaya ko ay nagulat din siya sa nangyari, nanlaki pa ang mata ko at agad siyang ginawaran ng sapak sa mukha.

"Bastos ka ah??!!" Singhal ko. Hinawakan ko ang uniform ko at doon pinunas ang labi ko. Yuck!.

"M-miss tina?!" Gulat niya ring gawi saakin habang nakahawak ang kamay niya sa pisngi.

Tiningnan ko siya ng masama. "Bastos ka!! Bastos!!! You stole one kiss!!" Sinapak sapak ko pa ang dibdib niya. Gulat parin ako actually sa nangyari.

Pinangdepensa niya ang braso niya sa mga palo ko. "I'm asking you how it feel, tapos di mo naman sinagot kaya ginawa ko na... Ano?? Anong pakiramdam ha??" Tanong niya.

Natigil ako sa ginagawa ko sakanya. "Pakiramdam?? Nakakababoy ka!! Apaka harot mong lalaki ka??!! Kakahalik mo palang kay zeldee tapos manghahalik ka saakin?? Di pa siya sapat ha??" Nangilid ang luha ko dahil doon.

Kung pwede nga lang magbigay ng award ngayon ay ginawa ko na. Sabay caption na, 'The most maharot-man'. Nangingilid ang luha ko dahil wala siyang permiso para saakin na manghalik. Nagnakaw siya ng halik saakin!. Hindi man iyon first time pero pakiramdam ko ay nababoy na ako. Lasing lang ba siya?? Kaya niya nagawa ang mga bagay na iyon?? Sana ay oo. Dahil 'di ko kakayanin kapag nalaman ko na nasa matino pa siyang pag-iisip.

Pinagpapalo ko pa siya pero agad niya namang kinuha ang mga kamay ko. "Mali ang iniisip mo" sabay iling.

Pinandilatan ko siya at hinawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Stop confusing me... Ilang ulit mo nang ginugulo ang isip ko." Aniya ko. Pinunasan ko ang kaunti luha sa mata ko.

"Miss tina?? S-sorry" ani naman niya.

Tumayo na ako habang hindi parin makapaniwala na nahalikan niya ako.

"Please stop me"

***

Lutang na lutang na ako. Ni-hindi ko nga namalayan na nasa loob na pala ako ng bar. Umalis na kasi ako kanina sa harap ni kael, di ko na kinaya... Feeling ko kapag tumagal pa ako ay baka kung ano pang masabi ko. Bastos rin kasi eh, manghahalik nang walang pahintulot. Sinong bang hindi magagalit doon diba?? Pero aaminin ko na nanghihinayang parin ako. Malambot labi niya eh.

Nagbuntong hininga at ikinailing nalang iyon. Medyo nakakanikip ng dibdib dahil di ko pa nakakalimutan na hinalikan niya si zeldee. Nakakapangselos kahit wala namang dahilan, nakaka-inis lang kasi dahil hindi ko alam kung anong pinapahiwatig ni kael saakin.

Ganyan lang ba talaga siya?? O pinipili kaming dalawa?? Sinong mas lalamang??

Ako na wala namang pagmamahal sakanya??

O si zeldee na kilalang-kilala niya, child hood friends at may gusto sakanya.

Syempre mas lamang iyong mas may alam sakanya. Wala na akong pake, WHATSOEVER, basta nako-confuse lang talaga ako ng sobra kay kael.

Napag-desisyunan kong ubusin na muna ang isang can-in-beer na nasa lamesa bago umuwi. Uwing-uwi na ako actually gusto ko ng matulog. Tiningnan ko muna sina jesvi at iba pa na panay ang sayaw sa stage. Yung iba ay nasa table lang at nakikitawanan. Yung iba ay nawawalan na ng ulirat, may amats na yata.

Be The Way Forward ✓ Where stories live. Discover now