CHAPTER 22

28 6 2
                                    

CHAPTER 22

BABAWI

Napahawak ako sa dibdib ko nang masarado na ng guard ang gate namin. Nagtataka pa niya akong tiningnan at muling bumalik doon sa guard house.

O my ghosh. Totoo ba toh??

'Nililigawan ba talaga ako ni kael??' I mean, oo, pumayag ako pero di ko parin talaga kayang akalain na nagkatotoo iyong iniisip ko. Akala ko, hanggang pantasya lang ang lahat ng ito. Akala ko mawawala lang din itong nararamdaman ko, pero hindi...

Sigurado ako, lalo na ngayong sinagot ko ang panliligaw niya. Feeling ko, ako ang pinakamasayang tao sa buong mundo ngayong araw!!. Inihatid ako dito ni kael saamin, kahit na wala na siya ay nararamdaman ko parin yung kamay niya sa kamay ko.

Mas uminit ang pisngi ko dahil doon. Ngisi-ngisi pa akong pumasok doon sa mansion... Naabutan ko si tita na abala sa pagtipo ng kanyang laptop. Hindi siya nagulat na andito parin ako, bagkus ay nagkwento pa siya saakin ng usapan nila ni papa nang kumontra akong huwag na munang umalis dito.

"Sabi ko naman kasi kay kuya eh... Pero thankful akong dito ka magtatapos ng pag-aaral" inabangan ako ni tita sa salas. Niyakap niya ako at kwinento saakin ang usapan nila ni papa na kung gusto ko nga talagang magtagal dito ay dito na ako magtatapos ng college ko.

Pumayag naman ako...

At tiyaka ang rami kong dahilan para tumagal dito... Marami pa akong mga ala-alang gustong mabuo sa utak ko dito sa probinsya namin. It quit a long time since i am not in here... At babawi ako, dito ko tutuparin ang mga pangarap ko sa buhay. Dito ako magtatapos.

Umakyat na akong kwarto. Nang makapasok ako ay nadatnan ko ang ibang katulong na inaayos ang mga gamit ko. Yung bagahe ko iyon na dala bago ako umalis... Sinabi kong ako nalang ang mag-babalik nun sa aparador... Pumayag naman sila.

"Congrats... Akala ko'y magiging duwag ka na naman eh" napangiti naman ako sa sinabi ni venice saakin inipit ko ang cellphone ko sa balikat ko habang nilalagay sa cabinet yung inimpake kong gamit.

Di ko lang siya sinagot. Bakit ang speechless ko ngayon?? Siguro dahil hindi ko alam kung anong irereact ngayon... Oo, masaya ako pero wala akong ideya kung paano ko ilalabas iyong saya ko ngayon.

"So kailan mo siya sasagutin?? Next week kaya?? O kaya this week??" Nagulat ako sa tanong ni venice...

Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama at hinayaang tabihan ako ng mga damit kong di pa naaayos.

"Ano ka ba... Hindi niya pa nga ako nagagawang ligawan tapos pag-iisipan ko na agad kung kelan ko siya sasagutin??" I insist, nagtaas rin ako ng kilay at muling inalala yung eksena naming dalawa ni kael kanina.

"Ano iyong paghatid niya sayo dito?? Syempre first move!" Sigaw niya.

Napapikit ako, baka may nakarinig doon sakanya.

"Ewan ko sa'yo" hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng matunog...

"Yieehh. Kinikilig" aniya niya... Narinig niya sigurong ngumingisi ako ngayon.

Sino namang di kikiligin diba?? Crinushback ka nang crush mo tapos tinanong pa kung pwedeng manligaw... Kung di lang ako pakipot edi sana ay nasa jowa stage na kami ngayon.

Syempre, hindi ko pa kilalang husto si kael. I should know him better, hindi naman magandang papasok ka agad sa isang relasyon na hindi mo kilala nang husto ang kasintahan mo.

"So anong next na plano mo??" Tanong niya.

Tumayo ako at pinilit na ayusin iyong mga gamit ko... Liligpitin ko na, ayaw kong humantong na sila na yung magpupumilit saaking umuwing manila kaya dapat matapos ko na sila.

Be The Way Forward ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon