CHAPTER 6

93 12 5
                                    


CHAPTER 6

PLEASE

"Uyy!!" Napahawak nalang ako sa sarili kong kamay. Medyo mahapdi kasi yung pagkahawak ni ranson sa kamay ko kanina. What's with him?? "Ranson!!"

Umihip ang malamig na hangin. This is my first afternoon here. Not in manila, sa mall kalang makakadama ng lamig, dito araw-araw. At fresh pa nga.

"Hey" nginusuan ako ng lalakeng may eyeglasses. "Bago siya rito?" Pagkasabi niyang iyon ay ngumiti siya ng malapad.

Lima silang pinuntahan namin. Plus sila pa ng kuya kaer-este kael niya, total sa pito. Well di naman magpapadaig ang circle of friendships ko sa manila, medyo may tampuhan nga lang. Pero wala akong magagawa, kailangan kong makipagkaibigan. At isa pa, they look good naman. May babae pa silang kaibigan, kaya no worries.

"Yepp" sabay tango ni ranson. Inusog niya ang upuan para makaupo ako.

Tiningnan ko naman si kael na tamad na naglalakad papunta sa direksyon namin. "Si Kristina. Amo siya ni kuya" pakilala niya saakin.

"Ooowwss?! Astig mo naman kael!! May pa-slave ka pang pinasukan" sabay palo ng lalaking kasama pa namin sa braso ni kael.

Napairap naman ako nang wala sa oras. Kung nasa maynila ako ay ayos lang na sabihan akong amo nor nagpapasweldo. Pero iba ito eh, baka isipin nila na porke mayaman ako ay tataasan ko na ang profile ko. Not that was wrong. I don't take any advantage to our name just to be friends with others.

Napangiti nalang ako ng pilit ng nakatingin silang lahat saakin. Napaubo pa nga ako ng titig na titig saakin si kael. Siguro ay disappointed siya sa narinig. Hihingi nalang ako ng tawad sakanya mamaya.

"Siya yung kwinekwento saakin ni mama na anak nung dating millapena na nakatira dito" ngumiti ito saakin. Malapad ang ngiti. Sabay abot ng kamay niya. "Esca nga pala"

"Kristina millapena" hinawakan ko ang malambot niyang kamay.

They started to introduce themselves.

Esca, she was tall like other manila girls, bilugan ang mukha, medyo maputi at may pagkasingkit ang mata. Etesia, medyo mababang babae, cute at madalas na ngumiti, siguro ay siya ang source of energy nila. Jesvi, the one who wore the eyeglasses, medyo nerd boy at kapag kinakausap mo siya ay para kang nasa harap ng table ng prinsipal. Zeldee, malinis na babae at medyo magkahawig siya kay esca. Vance, the funny one boy. Siguro ay hindi kompleto ang barkada kapag walang pasaway na isa.

"I hope. Maging ganyan rin ako sayo kritina. You look beautiful. Magaling ka rin pala sa make-up. I see it in your face" ani naman ni esca saakin.

They're look busy with there own businesses matapos nilang magpakilala saakin. Now we're heading to girl talks right now.

Napatawa naman ako at umiling. "Hindi naman masyado. Natural lang talaga ang mukha ko, nilagyan ko lang ng kaunting kalorete para gumada." That was right.

Kaya nga siguro nagustuhan ako ni archer kasi natural lang ang ganda ko. Here we go again. Pero totoo, gusto niya iyong natural lang ang mukha.

"Ahh" si zeldee. "I hope maging ganyan din ako sayo. You look like a millapena nga pala, ang gaganda ng lahi niyo." Papuri niya habang sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang daliri niya.

Nahihiya naman akong ngumiti sakanilang tatlo. Etesia did'nt listening, busy siya sa mga lalaking kasama namin.

"Yeah right kael?? Kamusta naman ang pagsasaka??" Inakbayan ni zeldee na parang lalaki si kael.

Kailan pa ba ako mahihiya sa ganito. I call him kaer, without knowing na may totoo siyang pangalan. Mahina na yata ang panrinig ko kaya hindi ko agad naintindihan nung gabi na yun na kael ang pangalan niya. Kael!! At hindi kaer.

Be The Way Forward ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon