CHAPTER 3

154 17 1
                                    

CHAPTER 3

FIRST NIGHT

Mahabang daan nga ang tinahak namin,, padilim narin pala sa labas. Nakakakita pari naman ako ng mga naglalarong bata sa labas, umiikot na windmills, at ang malawak na palayan na bihira ko lang makita sa lugar namin. This is not unusual place I've used to be. Hindi ko parin naman alam kung ano ba talagang mukha ng bahay at lugar na pupuntahan namin.

It's been so many years, at malamang sa malamang ay may improvement na nang naganap sa lugar nina tita. At kahit narin naman walang pagbabago ay maninibago parin naman ako dahil matagal na akong hindi nakakadalaw doon.

Sa loob ng maraming taon kong pamumuhay ay hindi ko plinanong mamasyal sa lugar na iyon... Oo, naaalala ko parin naman pero hindi talaga sumagi sa isipan ko na planuhin na dalawin ang kamag anak ko doon.

"Kuya malayo pa ba??"

Hindi pa naman ako nakakapagsalita ng maayos ay agad nang tumigil ang kotse namin. Hindi mapigilan ang mata kong mapatingin sa malaking gate sa harapan ng kotse. Hindi nakakaasiwang pagmasdan, bagkus ay parang naeexcite ang puso ko. Akalain niyo yon, may ganito palang bahay sa lugar na ito.

"Nandito na po tayo ma'am"

Nalaglag ang panga ko ng makita ko ang nasa harapan namin. Masyado nang madilim pero hindi iyon naging hadlang para hindi malaglag ang panga ko sa pagkamangha.

"Y-yan ba?" Mangha kong saad sa driver namin... Tumango naman ito.

Hindi naman namin regular na driver ang kasama ko ngayon. Pero ang sabi ni mama ay tagarito lang daw ito kaya kabisado nito ang bahay nina papa dati.

Agad na may nagbukas ng gate dahil bumusina ang kotseng dala namin. Ipinasok na ng driver ang kotse, kasabay nun ay ang pagbaba ko ng salamin. Bermuda grass, perfect entrance, fountain, statues, doon palang pasado na. My papa did'nt tell me about this. Ang yaman pala ng angkan nila!!!

Hindi narin naman ako magtataka dahil maraming business ang inaasikaso nina mama at papa.

Kwinento narin naman ni papa na usual na bahay lang ang mayroon dito. Grabe, usual palang sakanya ang isang mansyon.

Kung alam ko lang sana na ganito kaganda ang bahay namin edi sana noon ko pa plinano na pumunta dito.

"Kristina"

Nakababa na ako ng kotse. Nilingon ko ang babaeng tumawag saakin. She is eligance, maputi, matangos ang ilong, matangkad, sexy, at hindi mo aakalaing mas matanda pa siya kay papa.

"Tita hilda!!" Aniya ko at hinawaran siya ng yakap.

Naamoy ko ang pabango niya. Hindi ko nga maitatangging mayaman ang angkan nina papa. Kwinento niya sakin na may negosyo sila rito, pero hindi niya naman sinabing malaki!! I thought, isa lang na hektaryang palayan na kayang bumuhay kina tita.

"How are you hija??" Pangungusisa niya.

"I'm fine" sabay ngiti ko.

Akala ko mabobored ako dito, pero iniisip ko palang na dito ako titira naeexcite na ako. Baka maging care-free ako pagdating ng mga araw na dadaan.

"Tara pasok na tayo at malamig" aniya niya at hinila ako papasok ng bahay nila.

"How's your dad??" Tanong niya saakin ng nakapasok na kami.

"They're both fine with mama. May business trip po kasi sila kaya hindi po nakasama" sagot ko habang ginagala ng tingin ang buong lugar.

Umiikot ang leeg ko habang naglalakad kami. Fancy, maraming chandelier, white walls, vases, and oh!! May mini mountain pa, grand stairs lahat lahat. Parang mansyon na, hindi naman ito katulad ng mga naglalakihang mansyon dito pero sapat na ito para ipamukha sa buong baryo na sila ang pinakamayaman.

Be The Way Forward ✓ Where stories live. Discover now