CHAPTER 50

114 7 0
                                    

CHAPTER 50

MAHAL

Kung ilang minuto na ba akong nakatingin sa cellphone ko, ay hindi ko na alam. Nakasadha lang ako sa screen ng nun. Bakit pa ba kasi niya gustong sumama?? Ilang oras lang naman kami pupunta doon.

"Yung dating oras, diba??" Dumating si venice na may bitbit na pop corn. Tumabi siya kay carhea at ako nama'y nasa single sofa.

Nakatuon ang paningin ko sa cellphone at hindi sa television. Katabi ng text ni kael ay ang update ko sa organizer kung kailan ako bakante para mapagusapan ang flow ng kasal namin ni kael.

Ang rami kong gagawin, ngayon palang. At nangako na ako kay kael na last shot ko na tong gabing ito.  Tomorrow morning ay mas pagtutuunan namin nang pansin ang para sa kasal.

"Oo," si carhea ang sumagot.

"Huy kristina, libre mo kami ah," tugon ni carhea at inakbayan si venice. Napabuntong hininga ako habang iniisip kung ano ang magiging dahilan ko kay kael. Ayaw ko muna siyang makasama.

"Ba't ang lungkot naman ng mukha mo?? Don't tell me hindi ka na naman pinayagan ni kael??"

"Nagsabi na kami sakanya. Nagbago na naman yung isip??" Tumawa si carhea sa unang tanong ni venice.

"Hindi. Sasama si kael saatin," sabi ko. Narealize nilang dalawa yung sinabi ko, ngumunguya pa sila habang tumatango.

"Ano naman??" Ani Venice.

Mabilisan kong kinuha ang bowl ng pop corn sakanila at nirelief ang sarili ko sa pagkain. Kainis lang, kagabi lang ay ayos na kami ni kael sa plano kong 'toh. Gusto kong lumayo sakanya muna para magawa ko ang mga gawaing-pandalaga. Magaasawa na kaya ako, kailangan ko rin ng one last shot. Gusto kong maramdaman kahit na ngayong araw lang kung paano ang maging dalaga.

Tapos ngayon nagtext siya na sasama daw.

"Nahihigpitan ka na sakanya noh??" Mapanuyang tingin ang binigay saakin ng dalawa.

"Luh??, Hindi ah!" Malakas silang tumawa sa sagot ko.

"Eh anong tinatalak ng bunganga mo??" Dismayado  pero natatawang kantyaw ni carhea.

Hindi naman talaga ako nahihigpitan sakanya. Normal lang siguro  ito dahil alam kong ikakasal na kami soon. Gusto ko lang na maenjoy ang buhay bilang isang taong wala pang asawa.

I do really love kael. At kung anuman 'tong gusto ko, sana naman ay ibigay niya.

Edi sumama nalang siya! Kainis lang.

"Gusto ko lang sana yung pumuntang bar kahit ngayon lang without him. At tiyaka, ngayon na lang din ako makakainom at makakasama sainyo. Hindi na ako papayagan ni kael soon dahil ikakasal na kami." Rason ko at nagpatuloy na lamang sa panonood ng pelikula sa tv.

"Nasasakal ka na sakanya noh??" Si debris ang nagsalita, matalim ko siyang tiningnan habang kasama niya si devin sa high chair.

"No!, Hindi ah! Mawala na ang lahat huwag lang siya!" Sabi ko at kahit feeling ko ay inaasar na nila ako ay gora lang ako sa pagsabi nun.

"Wow, mapang-ubaya mo namang tao... When rin kaya tayo magkakaroon ng kael-like man noh? Venice?" Ani carhea.

Ang rami ko na palang Pinagdaanan. Love make us struggling just to see the right man for us. At eto nga, nakita ko na ang tamang tao para saakin. Totoo naman talagang kailangan nating magpa-ubaya para sa mga taong mahal natin.  Noon, oo pinaubaya ko si kael para sa mga mahal ko sa buhay.

Kung hindi dahil doon, wala na sana kami ngayon. Mas masarap nga sa pakiramdam na madama mo muna ang hirap bago ang ligaya. Dahil alam mong worth it lahat ng struggles niyo para sa huli, happy ending na.

Be The Way Forward ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon