CHAPTER 8

72 10 0
                                    

CHAPTER 8

SHE WANTS

"Kristina, may naghahanap sa'yo" ani nang yaya ko habang umuupo ako sa loob ng kwarto.

Nagsalubong ang kilay ko nang tumayo. Kabanas, tinatapos ko pa nga yung activities namin ni naiel. Tapos sasabat pa itong lintek na bisitang ito.

"Andiyan na yaya!" Sigaw ko sa kasambahay. Tamad akong tumayo  at pinunta. Wala na ang maid nang buksan ko ang pinto kaya dumeretso na ako sa labas para makita kung sino ang naghahanap saakin.

"Kael? Bakit ka andito?" Tanong ko sakanya.

Sinabi kasi nang yaya namin na andito siya sa kabilang side nang gate namin na dinaanan rin namin noong huling gabi. May bitbit siyang papel.

Nangunot naman ang noo niya. Ngayon ko lang din naman nakita na guwapo pala siya kapag nakanuot ang noo. Kapag lang. Hindi ko naman sinasabi na, guwapo talaga siya nang bonggang bongga.

"Di mo alam? May gagawin tayo? I mean, gawin na natin ngayon" sabay salubong nang pareho niyang kilay. Inayos niya ang dala niyang gamit.

Four o'clock kasi ang uwian namin. Kaya ngayon ay padilim na, siguro ay mga alas singko na pasado.

Nangunot rin ang noo ko. "Ano naman 'yun? Pakibilisan, may tinatapos kasi ako ngayon eh" sabay 'hehe' ko.

Kainis naman kasi ni naiel. I mean, hindi si naiel, kundi si zeldee. Ewan ko ba sa babaeng iyon. Bakit ba pumayag ako na magpalitan kami nang partner. 'Yan tuloy, nahihirapan na akong sagutan ang mga activities namin. Tapos dumagdag pa itong si kael na hindi ko alam kung bakit napadalaw.

"Busy ka ba?"

Inayos ko ang buhok ko na naglayas sa gilid ng aking tenga. Malapad ang pangangatawan ni kael, kaya nahaharangan nito ang palayan na nasa likuran niya. Padilim narin naman, at kusang lumilitaw ang liwanag nang papalubog na araw sa mukha ni kael.

"Hmmm. M-medyo" tumatango-tango ko pang sabi sakanya.

Napalunok rin ako. What the heck kristina.

Napakamot nalang sa batok si kael. "Pero next day na ito-"

"Kristina!"

Nagulat ako nang biglang may sumigaw saakin. Si tita hilda. Tiningnan ko si kael, at nginitian.

"Teka. Tawag ako ni tita. Hintayin mo muna ako rito" sabay tapik ko sa balikat niya.

Stress rin pala ako rito sa probinsya. See? Kaliwa't kanan ang dapat kong gawin. First day nang klase, pero napaka toxic na. Dumagdag pa itong utos ni tita.

Pero nawala agad iyon nang makita ko si lola na naghihintay sa haban nang pinto nila. She opened her arms, and welcome me with a hugs. Yung tipong, yayakap ka lang sakanya ay mawawala na agad yung pagod at stress mo. This is how i miss lola, sa pagkahaba haba nang panahon ay hindi ko aakalain na mamimiss ko siya nang sobra-sobra.

"Kristina!" She kissed my chicks. ''I missed you apo" hinawakan niya ang makabila kong pisngi.

Napangiti naman ako. Halatang galing si lola sa trabaho niya. I think she need some rest, o kaya naman ay sasaluhan ko siya if ever na nagugutom na siya.

"Me too lola. What do you want??" Tiningnan ko ang lamesa na puno nang pagkain.

Hindi talaga nauubusan nang pagkain sina lola. Kahit anong oras ay pwedeng kumain ang kahit na sino na bumisita rito. Siguro ay magdadala ako nang ibang pagkain bukas. Punong puno kasi ang lamesa sa kusina nang mga pagkain.

Bibigyan ko sina jesvi at vance. Ang tatakaw nang mga lalaking iyon kahit na ang papayat naman.

Umiiling-iling si lola at pinakita saakin ang maganda niyang ngiti. "Hmm. Nothing just a bond"

Be The Way Forward ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon