CHAPTER 5

125 18 9
                                    

REAL

As lola  said. Kinabukasan din ay nagtungo kami ni tita sa paaralan na sinasabi niya. Maganda ang paaralan ng dapo leon. Hindi nga lang kasosyalan pero matatawag mo pa naman na paaralan kung baga.

Higit sa kaalaman ko na marami palang mga istudyante ang nagpapa-enroll rito. No wonder, siguro ito lang talaga ang paaralan na mayroon sila.

"Thank you" sabi ng guro saakin. Kakatapos ko palang mag-pirma para sa schedule ko for this up-coming school year.

"Tara na" aniya ni tita at sumunod naman ako sakanya.

Maraming mga istudyante ang nakatingin saaming dalawa, may nag-bubulungan pa. Siguro ay naninibago pa sila sa mukha ko.

Dahil nga masyadong awkward ay tinuon ko nalang ang atensyon ko sa cellphone. Wala paring texts saakin sina carhea, o maging si devis at venice. Alam kong masama ang loob nila na umalis ako nang walang paalam.

"Can i go out tita?" Tanong ko sakanya ng nasa kalagitnaan na kami ng byahe.

"Sige, pero hindi ako makakasama saiyo" sabi niya habang may pinipindot sa kanyang telepono..

"Ipapa-assist nalang kita sa pinagkakatiwalaan ko. Don't worry, safe naman dito sa lugar natin. Walang masasamang tao, at talagang ibang-iba siya sa maynila." Sabay ngiti nito at tumingin sa labas ng kotse.

Tumango naman ako kahit hindi niya nakita. Madali lang ang papuntang eskwelahan mula sa mansyon. Pero kung lalakarin mo ito ay paniguradong napakalayo. Sementado narin ang mga kalsada, at infairness malakas ang signal. Mabuti nalang din at may wifi kina tita.

"Uhmm" napatikhim ako. "Can i ask??" Tanong ko. Medyo awkward kasi.

Feeling ko may gustong ilabas ang bibig ko. I want to ask tita for something deeper na hindi ko alam ang kasagutan.

"Hmmm" naging hudyat ang sinabi niya para ibuka ko ang bibig ko.

"Bakit po ba, uhhhmm. W-wala pa kayong asawa, i-i mean. Naunahan na po kayo ni papa" medyo awkward ngayon ang scene naming dalawa.

Halatang mas lalong lumalim ang mga mata ni tita hilda nang sabihin ko iyon sakanya. Kahit na anong gawin ko nung una kaming magkita ay kakaiba. Malalim ang pinapahiwatig ng kanyang paningin. Iyong tipong mararamdaman mo na, nag-iisa siya, malungkot, at parang walang kasiyahan.

Pakiramdam ko, pinipilit niya lang na ngumiti saakin tuwing magkasama kami. Kahit ang mga ngiti niya ay hindi kayang matakpan ang kalungkutan niya.

"Hindi nasusukat sa edad kung kailan ka magmamahal" sabi niya.

Eto yata yung pakiramdam na kasama mo yung taong kabaliktaran mo. Tita told me that she did'nt loved alot of men, but once. Ako, marami na akong naging nobyo, simula high school ako. Tita wants to find a right person for her. Pero ako, gusto ko lang i-explore ang mundo. Kung ano nga ba ang pinagkaiba ng mga lalaki sa iba. Kung paano ba sila maging gentle saakin, o clingy.

"But about lola-" naputol ang sinabi ko nang dugutungan niya ito.

"Mama can't change my decision" matigas niyang sabi saakin.

Malapit na kami sa mansyon nila. Pero parang gusto ko pang pabalikin ang kotse para magtanong ng kahit ano sakanya. Hindi naman ako ganitong tao, siguro ngayon lang dahil kamag-anak ko ang kausap ko..

"What decision?? To do not marry anyone else?? The company's need you" matigas ko ring ani.

Kung hindi nga iyon mangyayari ay baka ako ang maging next generation kapag tapos na si tita. Tita have also a business, ang sakahan. At hindi niya kayang pagsabayin ang dalawang iyon na nag-iisa, she need, a husband to help her.

Be The Way Forward ✓ Onde as histórias ganham vida. Descobre agora