CHAPTET 35

23 5 0
                                    

CHAPTER 35

TOTOO

My phone beeped, pinatay ko agad ang alarm at kahit na nakakapuyat pa ay pinilit ko paring bumangon... Itinupi ko ang kumot na aking dala habang pinasadhan ng sulyap si kael na ngayon ay mahimbing na natutulog. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti ng halikan ko ang noo niya.

"Uuwi na ako, bye" bulong ko para di siya magising.

Tumalon ako sa bintana niya palabas ng kanilang bahay. Nagbuntong hininga ako at nitext siya about sa pag-alis ko. Napabuntong hininga nalang ako, sinulyapan ko pa muna ang kwarto niya bago ako kumaripas ng takbo.

Kael was my missing pieces... I think so?? Dahil sa tuwing iniisip ko na lalayo ako sakanya ay parang pakiramdam ko rin ay hindi ako buo. Na kulang ako, like resignation fucks me into a broken one when i leave him behind. I never get used to of being far away to him, parang pakiramdam ko ay break up na namin kapag nagka-LDR kami if ever.

If ever lang naman eh.

Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad. Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa mansion. Sinulyapan kong muli ang cellphone ko, ganun nalang ang pag-nguso ko nang wala man lang akong nakitang bagong text mula sakanya, puro recents. Siguro tulog pa siya kaya di pa niya nababasa. Whatever.

Pinara ko na ang tapat ng gate ng mansion... Dumaan ako sa gilid nun, pasalamat nalang din naman ako dahil hindi iyon nasarado. Dahan dahan akong pumasok sa loob ng mansion para walang makarinig. Di ko kasi kayang daanan ang sa bintana... Masyadong mataas kung aakyatin pero medyo mababa naman kung tatalon.

Malalim ang aking paghinga habang naglalakad, may nagsalita mula sa malapit na pasilyo...

"Sinasabi ko sa'yo hilda. Kapag nalaman toh ng parents niya ay papauwiin siya sa manila"

Boses iyon ni lola. Napasapo ako ng noo ng maisip na ako na naman ang pinag-uusapan niya. At dinamay pa ang parents ko??! Kagaling!, Mapapatawad at maiintindihan naman ako nina mama at papa. Alam nilang hindi ako pabaya kaya alam din nilang tama ang ginagawa namin. Maglalakad na sana ako pero may bigla na namang nagsalita.  Sinilip ko ang pasilyong iyon at nakita si tita at lola na kumakain.

"Dito siya magtatapos mama. Believe me, hindi kayang gawin ni kristina ang iniisip niyo. She is too old for that, at tiyaka hindi naman siya magpapadala kung alam niyang hindi niya mahal ang isang tao" napangiti ako dahil sa pagligtas saakin ni tita kay lola. However ay meron paring taong nakakaunawa sa side ko.

We're the same, tita was the same as me. At naramdaman niya ang nararamdaman ko ngayon... Ang hirap pala noh??.

"Pero mahal ba siya nang lalaking iyon?? Pinalayas ko na siya sa trabaho diba??! Wala na dapat silang koneksyon ng apo ko" sarkatikong pahayag ng matanda.

"Mama. Huwag niyo na pong gawin ang nagawa niyo saakin noon" sagot naman ni tita. The mansion looks so quieter than ever kaya boses lang nila ang naririnig ko.  "Malay mo, baka mas umangat ang buhay nila helario"

"Asan ba si Kristina??" Aniya ni lola at hindi na sinagot ang sinabi nang aking tita.

Ako naman ay dali daling umakyat sa taas. Narinig ko kasing may tinawag siyang maid, pinapapunta sa kwarto ko para tawagin. Hinihingal pa akong pumasok sa loob nun, naabutan ko si carhea na mahimbing na natutulog. Like she promised, at mas lalo akong natawa nang makita siyang nakatalukbong ng kumot. Umupo ako sa tabi niya at inalis ang backpack na aking suot.

Kailan ba siya magrereply??

Kanina pa kasing wala siyang reply saakin. May trabaho yata siya ngayon kaya kailangan niyang magising ng maaga. Pero baka andun na siya sa working place niya at hindi man lang nacheck ang phone. Nakakapagtaka tuloy, lalo na't hindi man lang ako nakapagpaalam ng pormal.

Be The Way Forward ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon