CHAPTER 29

26 5 0
                                    

CHAPTER 29

KOTSE

(Contains matured content... Please read at your own risk;)

Alam ni archer. Alam niya ang nangyari saamin ni zeldee kagabi... Andun siya at nang-awat... Sinabi ko nalang sakanyang huwag nalang ipagsabi sa iba... Isa pa ay tanggap at naiintindihan ko naman siya, natural lang sakanya na magalit. Kahit ako ang nasa pwesto niya ay yun din ang gagawin.

Kinabukasan nun, linggo ay inaya ako ni kael na pumuntang kabilang bayan... Medyo malayo yun kaya kailangan naming magkotse. Sumakay na si kael doon habang si archer ang driver... Wala kasi yung saamin. Tapos gusto pang sumama sa date namin si archer...

"Kristina" bulong niya. Tiningnan niya sa salamin si arch at napalingon saakin. "May pasa ka" iniangat niya ang kamay niya at hinawakan ang pisngi ko.

"Wala lang 'toh" Tumingin nalang ako sa bintana para hindi niya mahawakan ang sugat ko.

Kagabi nilagyan ko na 'tong cold compress ah??. Bakit ngayon meron pa?? Mabigat ata yung kamay ni zeldee eh...

"Bakit andito yung ex mo??" He whispered... Napalingon ako sakanya at sinunod naman ang kay archer... Busy siya habang nakahithit ng sigarilyo at bukas nag bintana.

"Sumama siya. Alam niya narin naman ang tungkol saatin" saad ko.

Napahikab ako at sinandal sa bintana ang ulo ko, pero kinabig niya ang batok ko at inilipat ang pagkakasandal ko sa balikat niya. Feel ko yung saya actually. Napangiti ako ng lihim.

"Oo, sinabi ko sakanya. Pero bakit siya andito?? 'Kala ko tayo lang??"

"Sumama siya eh. At tiyaka huwag kang magselos, may girlfriend na yan" bulong ko.

Nilingon ako ni archer nang papasok kami sa gilid ng kalsada para magpark.

"Kristina... Maglagay ka nang cold compress mamaya... Hindi pa hilom 'yang pasa mo"

"Arch naman. Kaya ko na toh." Ani ko... Hinawi ko nalang yung yelong bigay niya at isinauli yun.

"Pasa?? Saan yan galing kristina?? Napano ka kahapon??" Tanong ni kael. Tiningnan niya na nagtataka si acher at hinintay ang pagsagot ko.

"Wala 'toh!, Nadapa lang ako kahapon" rason ko.

"You're lying. Sabihin mo na" matigas siya ngayon.

Gusto ko mang sabihin sakanya pero di ko magawa. Ayaw kong magalit o mainis man lang siya kay zeldee. Kahit na sinaktan niya ako ay kaibigan parin siya ni kael. Nirerespeto ko ang hawak nilang relasyon sa isa't isa. Bumaba na kami pero pilit parin akong tinatanong ni kael kung ano nga ba talagang nangyari.

Kaya napilitan ako.

"Ayaw ko nga kasi. Wala lang 'toh-"

"Sinapak siya ni zeldee kagabi... Triple pa" .

Nagulat ako sa sinabi niya... Sh*t nakwento!.

"Arch!" Tiningnan ko siya nang masama pero nagkibit balikat lang siya. Nilipat ko ang tingin ko kay kael na kakababa palang. Nagbago ang ekspresyon nito.

"Si zeldee?? S-sinapak ka niya?? 'Kala ko tanggap niya tayo?? Bakit-"

I stopped him. "Kael. Chill ka lang. A-ayos lang ako. Talagang deserve ko yun dahil inagaw kita. Deserve ko naman ang masaktan dahil nasasaktan din siya" ngumiti ako at tinapik ang balikat niya.

"Huwag ka ngang magsabi ng ganyan!. Hindi mo ako inagaw okey??, Kung sino man ang pwedeng mang-agaw sa'yo ay ako yun"

Kumain muna kami ni kael. Nagpaalam si archer na aalis na muna dahil may pupuntahan, gusto rin yata niyang magkaroon ng privacy kami ni kael. Couple things be like; pumunta kami kahit saan, arcade sa bagong bukas na tiyangge. Bili doon bili dito , bili kahit saam. Syempre, praktikal rin ako gaya niya. Tinitipid ko naman ang pera ko, at tiyaka ayaw kong umasa nalang sa pera niya...

Be The Way Forward ✓ Where stories live. Discover now