CHAPTER 23

22 5 0
                                    

CHAPTER 23

THOUGH, I CAN'T

Kinabukasan nga ay ganoon ang ginawa ni kael... Bumawi siya saakin, pero gaya ng dati ay pasekreto lang naman. Ayaw ko pang malaman nila agad na nililigawan ako ni kael... Oo, gusto ko siya pero di ko kayang pagbigyan yung gusto naming dalawa na iintriga na sa lahat ang namamagitan saamin... May dignidad pa naman ako kahit papaano. I mean.

May respeto pa naman ako sa 3-Month rule, hindi ilegal ang ginagawa namin dahil hindi pa naman kami nagiging mag-in. May respeto pa ako sa namatay na relasyon namin ni archer.

Kinawayan ko si kael ng kumaway rin ito saakin. Tatlong araw na namin itong ginagawa. At napapansin ko namang wala silang napapansin saamin. Siguro ay magaling lang talagang magtago si kael ng sekreto sakanilang lahat...

Sa loob ng tatlong araw na iyon ay nakasanayan ko nang hindi sumakay sa kotse. Sumasabay kasi ako kay kael tuwing naglalakad siya... Minsan ay nagaaway kami dahil dun pero sinasabi kong ayos lang. Wala siyang dapat iproblema dahil hindi naman ako maarte.

"Naiel" tinawag ko siya.

Lumingon naman siya saakin. Kinawayan niya ang mga ka-team mate niya sa basket bago sila umalis. Nilingon niya ako at tinanong kung bakit. Since that day na aalis sana ako ay hindi kami nagkikita masyado, 'di ko alam kung anong ganap sakanya at hindi agad siya nakakapasok. I hope he is fine.

Pero hindi.

"May rashes ka sa kamay" pinagmasdan ko nang maigi ang kamay niya... May rashes nga talaga!, Itinago niya na iyon sa bulsa nang slacks niya at sabay ngiwi saakin.

"Tsk, wala Lang 'toh" umiling pa siya at sabay kaming umupo doon sa upuan malapit sa puno ng mangga.

"Allergic ka na naman??"

"Oo" tumango siya.

Pabaya yata itong lalaking 'toh. Madalas na yata ang pagkakahospital niya ah?? Huling alala ko eh yung first week pa ng klase... Eh ano ngayon??? Second week na!,.

"Sabi ko naman kasi sa'yo iwasan mo ang mga sea foods" napailing ako. Kinuha ko ang ointment sa kamay niya at ako ang naglagay doon. Hindi Naman siya makatingin saakin at salubong lang ang parehong mga kilay.

"Alam ko ba?? Lasing ako nun eh, tapos pulutan namin tahong" nanliit pa yung mga mata ko ng makitang may mas marami pang rashes doon sa gilid gilid ng mga daliri niya. Kaya doon ko nilagyan ng mas maraming ointment. Kung ako nga Lang kasi ang nasa lugar niya ay hindi ko gagawin ang ginagawa niya... Iiwas na ako sa mga isda!.

"Ewan ko sa'yo. Sinasabi ko ha, huwag ka nang iinom... Masama rin yan sa health mo" tiningnan ko siya at pinandilatan ng masama, hindi niya naman iyon nakita dahil nakatuon ang mata niya sa tuhod niyang mabilis ang pagtaas baba.

Ilang minuto pa ang nagtagal ay nayari na ako sa ginagawa kong pag-assist sa pasyente ko, joke. Tinakpan ko na yung paubos nyang ointment at binigay sakanya. Nagpasalamat pa siya.

"Oh??" may kinuha iyon sa bag ko. "May project ba tayong bulaklak??" Tumawa ito.

Nanlaki ang mata ko dahil nakita kong hawak niya ang bulaklak na bigay saakin ni kael kahapon... Sh*7 naman bakit sakanya pa napunta???

"W-wala naman" umiling ako at nagpatay malisya. Sinubukan kong agawin ang bulaklak na iyon sa kanya pero hinawi niya lang ang kamay ko.

"Eh ano toh??" Sabi niya at sinuri yung roses...

Mas lalo akong natuliro at sinubukang kuhanin ang bulaklak na iyon mula sakanya.

"Wala nga yan sabi... Akin na!" Baka makita niya yung pangalan ni kael doon.

Be The Way Forward ✓ Where stories live. Discover now