CHAPTER 45

40 6 0
                                    

CHAPTER 45

When one thing is so damn beautiful, you can't hold yourself not to stay in there.

Pero kahit ang mga magagandang bagay ay naghahatid lamang saiyo ng dagok at pangamba na baka isang araw ay mawala na lamang iyon saiyo.

"Huwag mong sabihin na magpapakarupok ka na naman sa iisang lalaki kristina??" tanging ngiwi ang iginawad ni venice saakin matapos akong tanungin ni carhea.

Marupok? Sinong marupok?

Hindi ako marupok. Sadyang nabigla lamang ako kahapon. Hindi ko naman kasi alam na magkikita kami sa ganung event. At dahil dun ay hindi ko na napigilang ikwento sakanilang lahat ang nangyari saamin ni kael, sa pagitan namin. Yung pagsagot ko.

And I'm that strong enough diba?

"Hindi na ako magpapakarupok," with the enterprises sound of ice ay nilagok ko na ang beer sa shot glass.

"Weh?? Di ka naakit sa betlog niya??" Tumawa ito.

"Ha?? Anong pinagsasasabi mo??" Aniya ko at tinaasan ito ng kilay habang siya ay may itinitipa sa kanyang cellphone.

"Sus, parang di naakit." Tumawa ito at pinatay ang hawak na telepono. "Pero seriously, active ba siya talaga sa sex life niya??" Tanong ni venice saaming dalawa.

Hindi ko mapigilang hindi pagsadhan ang mga lalaking nasa counter at may sari-sariling mundo. Paano kaya kapag nagkita sila nina kael??

Rambulan na yata itey,.

"Nakita ko sa ig kasi, ang raming post ng mga followers niya na kasama siya. Madalas sa bar, tapos palaging mga babae ang kayakap," sagot naman ni carhea. Nagtaka ako kaya tumabi ako sa dalawa at isiningit ang sarili sa sofa.

"May post siya?? Wala naman ah!" Si venice. Matapos kong tingnan ang cellphone ni carhea ay sakanya naman ako lumipat. Wala nga, tapos may IG na pala siya?? 100k+ followers?

Sanaol.

"Boba! Tingnan mo kasi yung mga followers niya, sila ang nagpopost nun at Hindi siya!" Parang wala ako sa tabi nila para ipaglandakan saakin ang mga babaeng nagkakagusto kay kael, kung yun man.

Obvious eh, marami siyang followers pero madali lamang namin iyon natunton. Iyong mga babaeng medyo malandi, sila sila nalang kasi yung nagcocomment sa posts ni kael. Napaka-showbiz niya pala.

Ang yaman na ni kael, how can it be?

"Ay oo, grabe!" Bulyaw ni venice at may pinakita saakin sa cellphone niya. "And look! Si zeldee oh! 13 hours ago, so meaning kahapon yan??"

"Oo, yan yung suot nila." Aniya ko at may bumalatay na sakit saaking dibdib.

Hindi narin naman ako magtataka kung bakit may post silang magkasama. Ako na ang nakakita ng dalawa kong mata kahapon.

"Grabe, halatang halata yung beltotoy niya," kagat labi si Venice.

"Putangina mo venice, ilaplap kita sa sahig gusto mo!? May Beltotoy ka pang nalalaman!"

"Pero seriously??" Anito at binaba sa coffee table ang cellphone. "Hindi talaga ako makapaniwalang engineer na siya," napanguso ito habang nakatingin sa mukha ko.

"Diba archer??. Nakita mo na ba si kael??!"

"Hindi pa," umiling ito at lumayo sa ibang lalaki para lumapit saaming tatlo. "At baka masuntok ko iyon sa panga,"

"Dapat sa betlog niya rin para dama yung sakit,"

"Syempre..." He chuckled.

Buti nalang talaga at wala si mama at papa sa bahay. Shit, grabe ang bunganga nina venice!. Ano bang betlog?

Be The Way Forward ✓ Where stories live. Discover now