CHAPTER 16

30 8 0
                                    

CHAPTER 16

MEET UP

"You jerk" pinandilatan ni debris ang mukha ko. Ikina-iling ko nalang iyon. Hindi niya naman ako kayang pektusan dahil nasa camera lang siya.

  "Ni-hindi ka pa nga nakakamove on kay archer tapos may love triangle nang nagaganap?!?" Malakas niyang asik.

Napasapo ako ng noo. 'Di ko kasi mapigilang hindi sakanya i-kwento. I thought, makakapag-bigay siya ng payo. Pero kita n'yo naman, siya pa ang may ganang magalit saakin. Over protective overload ft. Debris.

"Aba'y ewan ko debris... Hindi ko rin alam" aniya ko sakanya.

Parehas kaming kumunot ang noo. Hinawakan ko ang laptop ko at humiga sa kama. Tinutok ko ang mukha ko sa camera para makita niya kung nasaan ako.

Tumawa siya ng peke. Mukhang hindi na siya makakapag-bigay ng payo saakin. He is tipsy, minsan ay hindi rin napapakinabangan sa payo si debris gaya ng iba.

"Aba'y saan ba iyan ineng at mapuntahan ko rin. Baka makabingwit rin ako" humalakhak na siya ng malakas.

Mas pinapasalamatan ko pa na nakaalis ako sa harapan nilang dalawa kesa sa nakauwi ng ligtas. Yeah right, umuwi akong mag-isa. Hinayaan ko lang silang magsagutan, wala naman akong makukuhang sagot sakanila. They're arguing unimportant stuff, ni-hindi ko nga maintindihan ang iba. Si naiel na matalim na nakatitig kay kael, at ang gumagalaw na panga ni kael. They're keep telling about there past na hindi ko na matandaan kung ano.

About there past. I think they're close together, pero nasira lang dahil sa kunong past na yan.

"Anyways, anong plano mo??" Tanong ni debris ng mahimasmasan siya sa pagtawa.

"Plano??" Kunot-noong tanong ko.

Tumango siya. "Oo, plano. Sakanilang dalawa, obsses na obsses silang dalawa sa'yo" sabay halakhak niya.

Bigla ay namulahan na naman ako ng pisngi. Naglagay nalang ako ng filter sa video cam para hindi niya mahalata ang pamumula ko ng todo.

"Hindi ah!!, Hindi nila dapat ako magustuhan, i'm in the stage of settling things upon myself. Hindi ko pa kayang ipagpatong silang dalawa, ako lang ang masasaktan" saad ko.

Hindi ko sila responsibilidad. Dapat ay inuuna ko ang sarili bago sila. Ano pang sense ang pagpunta ko dito kung hindi ako magiging bagong-ako?? Malawak ang dapo leon, maghanap sila ng lugar na mapag-aawayan basta't huwag sa harapan ko.

"You may move backward. Kung umuwi ka nalang kaya dito??" Natanong bigla ni debris saakin.

'Umuwi'. Umuwi?? Stuffs came into my mind. Bago ako umalis.

Bago ako umalis ay sinabi ni mama na 2 weeks lang ako dito. So should i wait for another seven days?! Pero that's fine. Atleast, makakauwi ako kesa sa hindi.

Doon na ako napangiti sakanya. "Next week will do. Sabi ni mama bago ako umalis ay two weeks lang ako. So there's no need to be worried okey??" Kinilig pa ako ng bumangon sa kama.

Muntikan na ngang mahulog 'yung laptop ko eh. Ba't di ko iyon naisip?? Obsses na ba ako dito sa lugar na ito para manatili ng panghabang-buhay??

"Totoo??! Promise yan ha, walang bawian" aniya niya.

Nakipag-appear rin ako sakanya sa camera. "Oh yes na yes naman"

Maraming segundo pa kaming dalawa na nagtitinginan. Atleast may bago akong isipin ngayon, hindi iyong parating sina naiel at kael lang. At tiyaka, wala narin silang pag-aawayan kung aalis na ako. Ako nga ba?? Ako nga ba yung dahilan ng pag-aaway nila. Sabi pa ni kael na kukunin niya ako sakanya, should i take it seriously. Sa tuwing iniisip ko iyon ay bumibilis ang pintig ng puso ko.

Be The Way Forward ✓ Where stories live. Discover now