CHAPTER 2

191 17 1
                                    

CHAPTER 2

LAST

Binitbit ko na ang bagahe ko papasok sa kotse. Dala dala ko rin ang bigat ng dibdib ko dahil sa pag-uusap naming dalawa ni archer kanina.

Good to him. Dahil pumayag siya sa plano ni mama. Kaya naman niyang maghintay, pero parang hindi ko kakayanin na panghawakan ang pangako ko sakanya..

Hindi ko kayang paasahin siya, na may babalikan pa siya paguwi ko. Pero wala naman akong ideya kung ano ang mangyayari sa hinaharap.

Marahil ay napansin ni mama ang pagiging malungkot ko. Kaya nilapitan niya ako at kinausap.

"Okey ka lang ba anak??"

"I'm fine mama. Kinakabahan lang po ako sa probinsya" sabay na pakita sakanya ng peke kong ngiti.

Nasa ibang lugar ngayon si papa dahil sa trabaho kaya hindi niya ako makikitang aalis ngayon. What the matter?? Sabi ni mama ay susunod siya kay papa. Kaya nga pinapapunta nila ako sa probinsya. Natakot na sila sa nangyari saakin. Kaya nerbyoso silang pareho na baka may mangyari saaking masama kung magisa lang ako sa bahay.

"Sorry kung ganyan ang gagawin namin ng papa mo sa'yo" malungkot na saad niya. "Nag-aalala lang kami, dahil baka may masama na namang mangyari sa'yo. Lalo na at wala kami ng papa mo."

Napangiti ako sa sinabi ni mama. "Thanks mama" niyakap ko siya, bago ako umalis.

"Don't worry honey, andiyan naman ang tita hilda mo, at ang lola mo" pagaaalo niya saakin.

"Naaalala pa kaya ako ni lola mama"

Sila lang daw na dalawa ni tita at lola beth ang nakatira doon. Mama ni papa si lola, pero hindi ko na maalala kung kailan kami huling nagkita. Kung bakit ba kasi mas pinili pa nilang hindi dito tumira.

"Mmmmm" napaisip rin ito. "Huling naalala ko na nagkita kayo at yung five years old ka palang. Pero maaalala ka pa naman nun, apo ka niya kaya, malabong hindi ka niya maalala" paliwanag niya saakin.

"I'm just kidding mama" napatawa ako kay mama.

Napatingin ako sa kotse namin. Abala ang driver na mag-ayos ng gamit ko sa loob ng kotse.

"Ayos ka na ba talaga anak??"

"Yes mama"

"Kung ganun.. lumarga ka na. Baga gabihin ka sa probinsya" aniya niya naman saakin.

Agaran ko namang hinawakan ang pintuan ng kotse na nakabarada sa harapan naming dalawa. Nang may bigla akong naalala.

"Maiiwan ba doon yung kotse??" Tanong ko sakanya.

Hindi ko naman dala ang ibang mga gudgets ko kaya magiging boring ako. Gamit ang kotse, maaari akong maglibot libot sa maliit na kunong baryo nina tita.

Napakamot si mama sa batok niya. "H-hinde anak. Yan nalang ang kotse natin sa garahe.. gagamitin ko yan papunta sa papa mo, kaya papabalikin ko dito yung driver" paliwanag niya saakin.

"Yes mama" mahinhin kong sabi sakanya.

Kung bakit ba kasi hindi pa ako pinabibilhan ng kotse. College na ako, hindi na dapat ako nagcocommute sa patok na jeep.

"Don't be sad. Bawal doon ang kotse dahil liblib lang yung lugar. Pwede ka naman doong sumakay sa kalabaw, o kaya kabayo, padyak rin at tricycle. Mamuhay ka ng simple"

...

Mahabang byahe ang tinatahak namin ngayon. Puro gusali at matatayog na mga istraktura pa ang nakikita ko ngayon. Pero baka pakalipas ng ilang oras ay mga puno at dayami nalang ang natatanaw ko.

Hindi ko narin kabisado ang pasikot ng lugar na aming tinatahak. Masyadong malayo na ang distansya namin sa lugar na kinalakihan ko.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang nagtext.

Carhea: Hoy!! Ba't di mo sinasagot yung calls ko kagabi?! Umalis ka daw sabi ng mama mo??!

Nireplyan ko siya.

To Carhea: Sorry i can't explain. Long story.

Agad naman siyang nagreply.

Carhea: Hindi mo ba kayang iexplain kung bakit hindi ka sumasagot kagabi??

Bigla ko na namang naalala. Archer's parent set this issues as a private. Tanging ako, si archer at ang pamilya namin ang nakakaalam nito. I know this is insane, pero alam kong pinapangalagaan ng dalawang panig ang kanilang mga pangalan.

I tried to set this things out, pero hindi ko mapigilan. Hindi ko mapigilan na isipin, na positive ang ex ko sa drug test.

Tutol ang pamilya mendoza sa binalak namin noon. Pero wala silang nagawa, hindi naman nila kasi alam na nagdodroga si archer that time.

At yun ang sanhi kung bakit bigla nalang ako hinalay ni archer.

Alam kong mababaw na dahilan na marape ako ng boyfriend ko. Dahil yun naman dapat ang ginagawa ng magkasintahan.

Pero nangako siya.

Nangako siya na rerespetuhin niya ako kahit na anong mangyari.

Wala naman akong nakikitang kakaiba sa ikinikilos niya. Archer is a gentle. Nagkakabati kami at the end of the day na nagaaway kami. Siya ang palaging sumusuyo saakin. Hindi ko na nga maalala kung kailan ko siya huling sinuyo.

Nakanguso ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, sinilip ko ang labas ng kotse at  halatang alas kwatro na ng hapon. I look upon my phone at napintig ang mata ko habang binabasa ang mga texts ng mapagalala kong mga kaibigan. Hindi naman talaga sila masyadong care saakin dati. Pero pakiramdam ko ay malakas na ang mga amats nila ngayon para magtanong saakin ng mga mapagintrigang salita.

Humalukipkip ako habang binabasa ang mga texts nina debris, devin, carhea at venice... Are they all bad influences?? Sabi ni mama, oo. Pero tingnan natin. Tingnan natin kung may magbago ba saakin kung hindi ko silang kapiling lahat...

Pero sa kabila ng mga texts nila ay isa lang ang pumukaw ng atensyon ko.

Archer... He texted me..

Be The Way Forward ✓ Where stories live. Discover now