CHAPTER 7

88 11 0
                                    

CHAPTER 7

SAKANYA KA NALANG

"Mag-move on ka" ani kael habang naglalakad kami palayo sa lugar na kinahulugan ko.

Napahawak ako sa band aid na nasa siko ko. Hindi naman siya mahapdi, pati rin sa tuhod ko ay meron. Akala ko, sa loob lang ako masasaktan pero pati rin pala pisikal ay sinasaktan ako ni archer.

Ayaw ni titang magmahal dahil masakit lang yun sa puso. Now i get it. Nakakalusaw ng pagkatao ang pag-ibig. Maraming magbabago sayo.

"I'll try. To move on. Halata naman diba?" Sabay ngiti ko kay kael.

Hindi ko alam kung bakit nandito si kael sa palayan. Siguro ay dahil may trabaho siya, gaya noong isang gabi na una ko siyang nakita. Napakasipag pala ng lalaking ito.

Napabuntong hininga siya habang nakapamulsa. "Halata namang hindi pa" bulong niya sabay hagikhik.

Nanlaki ang mata ko, pero agad iyong nanliit nang makita ko ang ngiti sa mga labi niya. Hindi siya nakatingin saakin, bagkus ay deretso lang.

Napangiti rin ako nang lihim. "Una kong beses na makita kang nakangiti kael. Go on, mas lalo kang gumagwapo. I mean, naging gwapo ka kapag ngumingiti" i smiled back at him.

Agad na nawala ang ngiti niya dahil sa sinabi ko. Ayaw niya bang pinupuri siya nang iba? Pero pagdating kay zeldee, isang palakpak niya lang ngingiti na. However, they look so closed. At siguro ay bago palang ako sa paningin ni kael kaya hindi pa siya sanay na pinupuri ng iba.

"Uh. Sorry pala kung nasigawan kita at tinawag na kaer. Baka bingi na ako eh" sabay tawa ko. Pero wala eh, hindi na siya nakangiti at seryoso nang nakatingin sa kalsada.

Napatikhim ako at muling nagsalita. "Your not talking-"

"Pangalawang beses ko na may makasamang babae ngayong gabi"

Nanliit ang mata ko habang paakyat kami ng hagdan papasok sa maliit na gate sa gilid ng mansyon.

"Really? Who's first, si zeldee ba?" Aniya ko nang natigil kami sa mismong harap ng gate.

Umiling ito saakin. "No"

"Your both look close together. Hindi na ako magtataka kung magkakatuluyan kayo sa huli" sabay ngiti ko ulit sakanya.

Since childhood pa sila magkaibigan ni kael, kwento saakin ni zeldee nang nilibre ko sila kanina. There relationship is getting stronger while the time passing by. Siguro kailangan ko rin nang matagal na panahon para malaman kung sino nga ba ang tamang tao sa buhay ko. I mean, tingnan niyo naman sina zeldee at kael. Kilalang kilala na nila ang bawat isa at alam ko kung magkakatuluyan sila ay parang sa altar narin ang dausan.

Nagbuntong hininga pa ito at pinihit na ang hawakan nang gate. "Bye miss tina. Baka hinahanap ka na nang tita mo"

Kinawayan ko siya nang pumasok na ako. "Sige. Bye too kael goodnight"

Tumango ito, pero seryoso. "Kita nalang tayo sa school bukas" saad niya at tuluyan nang umalis sa harap ko.

"Anong nangyari??" Yumuko si naize at tiningnan ang tuhod ko, sumunod naman sa siko ko.

"Uhh. Nadapa lang ako kahapon" sabi ko habang nakahawak sa lace ng bag ko, nakatayo ako sa harapan niya ngayon.

Tumango tango naman ito. "Mahapdi??"

Umiling ako at hinawakan ang siko ko. "Hindi naman" sagot ko.

Ngumunot ang noo niya. "Pero mahapdi?? Diba hindi ka sanay, sa manila lang?? Char, nga pala. Hawak mo ba yung scheds mo??" Tumango ako kay naize. "Patingin nga" sabay lahad niya nang kamay saakin.

Be The Way Forward ✓ Where stories live. Discover now