CHAPTER 18

29 8 0
                                    

CHAPTER 18

BEGGING FOR KISSES

"May mini bar doon sa malapit, you want to come??" Tinanong ako ni venice.

Napalingon ako sakanya nang maisuot ko na ang ID ko.

"Mini bar?? Di ko yun alam ah!!" Asik ko.

"Psh, vance fetch me later. You can go there with your fancy uniform. Okey?? Magcelebrate lang tayo sa pagkikita ng maharot at plastic na magkaibigan" pagparinig ng kumag.

"Grabe ka naman" ngumuso ako sa pagmumukha niya.

Sinapak niya naman ako ng mahina. "Sige na!, Pumasok ka na nga!" Tinulak pa ako ah!.

Sayang nga lang at pasukan ngayon. Solo siya sa mansyon, ayos lang daw iyon sakanya dahil may gagawin parin naman siya. Pagdating ko sa eskwelahan ay hindi ko na muna kinausap si kael, as if naman na kakausapin niya ako diba?? What i mean is, hindi ko muna siya iintindihin. Ewan ko ba, nakakagulo siya sa utak ko.

'Yung nangyari saamin sa parke kahapon. Hindi ko alam kung may pinapahiwatig ba siya o wala. Kung malandi lang sana ako ay gagawan ko na iyon ng malisya. Hindi ko naman kasi talaga intensyon na makaramdam ng ganito, kasalanan ko ba?? He is confusing me. At hindi ko nagugustuhan ang timpla ng isip ko.

Gaya ng dating klase namin ay palagi lang akong tumatabi kay naize para makipagkwentuhan. 'Di ko muna tintabihan si zeldee, alam ko kasing nearby lang si kael kahit na madalas ay hindi sila nagkakasama ngayon. Isa pa itong si zeldee, di ko alam kung may gusto ba kay kael o wala.

Kung sabihin nalang kaya niya?? Para naman hindi na ako maguluhan pa, sakanya man o kay kael.

Nang uwian na ay tinext ako ni venice na anyayahan ang lahat sa mini-bar na malapit. Uunahin ko muna kasi si naize pero si zeldee lang ang nahagilap ko kaya pinuntahan ko.

"Zeldee, di mo kasama si kael??" Tanong ko. Lumingap ako, buti wala.

"Nope. He's no where to be found. Why??" Tanong niya.

Nakataas rin ang noo niya at parang hinahanap rin si kael. Napaatras naman ako, si naize na kaya muna??

"Wala" aniya ko. Pero may sinabi na si zeldee saakin bago pa ako makatalikod.

"Sinabi saakin ni venice yung tungkol mamaya. Sure!" She thumbs up. "Pupunta kami" kindat pa niya ng mata.

"Thanks!" Aniya ko. Agad akong tumakbo ng makita ko si zeldee na kinawayan sa malapit si kael.

Sh*t he's here again. Pake ko. Hahanapin ko nalang si naize para sabihan rin, i don't have any time to interrupt with kael. Grave na grave na ako sa alak at gusto ko ng makainom kaya mamadaliin ko na itong commandment saakin ni goddess venice.

Nang malingap ako ay may biglang umakbay saakin. Nag-angat ako ng tingin at nakitang si naiel iyon.

"Naiel! Long-time no see!" Bati ko. Nilingon ko ang likod niya at wala akong nakitang mga alepores na bumubuntot sakanya.

"Good mood??" Sabay ngisi niya.

Umiling ako. Nilingon ko sina kael at zeldee. Busy si zeldee sa pagtalak habang si kael naman ay nakatingin saaming dalawa. Ako na ang nag-iwas ng tingin. Tinuon ko nalang ang sarili ko sa pagsagot sa tanong ni niael.

"No. I just want to invite you-"

"Yeah i know that... Yung kay venice" aniya niya. Lumiko siya habang nakaakbay pa saakin kaya nadala ako...

Muntikan na nga akong mapaatras dahil pupunta kami sa dereksyon nina kael. Sheteng kutong lepeng!!. Pero wala namang dahilan para umatras!!.

"Alam niyong lahat??!" Nilakasan ko ang pagsigaw ko.

Be The Way Forward ✓ Where stories live. Discover now