08

1.2K 27 15
                                    

Chapter 08


"Ito na pala 'yung coat mo. Nandiyan na rin 'yung mga gamit mo na hindi ko kaagad nabalik."


Bumalik kaagad ako sa may upuan ko pagkatapos kong ilapag sa desk ni Geib ang paper bag. Napansin kong nakatingin sa akin si Gill pero mas pinili niyang 'wag magsalita. Nag-umpisa ang klase at nagkaroon kami ng oral recitation. Bumawi ako at naging active sa buong klase. Humikab ako habang nagpapaliwanag ng sagot si Geib.


Nag-meeting kami sa office pagkatapos ng klase. Pasado 7 na noong lumabas kami dahil hindi namin namalayan ang oras sa kakausap.


Sa may carpark sana ako didiretso kaso na-stuck na naman si Kuya Isagani sa traffic kaya sumabay na ako kila Sidnee at Kelvin palabas ng campus. Nagkahiwalay lang kami noong patawid na ako sa pedestrian lane. Napatingin ako sa may waiting shed at nakita ko roon si Geib.


Naka-maroon jersey siya, puting medyas at black slide. Ang kanyang puting basketball shoes ay nasa gilid, katabi nito ang kanyang duffle bag. Medyo nakaunat ang mga paa niya habang nakayuko at nagtytype sa cellphone. Bigla akong napaatras at nanatili sa may gilid kahit pwede ng tumawid.


Hindi na kami nag-usap pagkatapos noong nangyari sa court. Pagkatapos niya akong tanungin ng ganoon, bigla na lang siyang tumalikod at umalis.


Hindi ko siya gusto. Pero ipapaliwanag ko ng maayos 'yung dahilan ko. Kung sa tingin niya ay may feelings ako para sa kanya dahil ayokong iwasan niya ako, ewan ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang tingin niya. Nagbibigay ba ako ng motibo?


Mas nanigas ako sa kinatatayuan ko noong nag-angat siya ng tingin at dumiretso 'yon sa akin. Mabuti na lang at naka-green na ulit 'yung traffic light. Umismid ako at umiwas ng tingin. Pinanood ko 'yung mga sasakyang dumadaan sa harapan ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago tumawid.


Nanatili akong nakatayo roon dahil ayokong umupo sa tabi niya. Masyadong maliit 'yung upuan na bakal para sa aming dalawa. Sinulyapan ko ang phone ko at binasa 'yung message ni Kuya Isagani. Malapit na raw siya at ang tanging nasa isip ko lang... Sana makarating na siya kaagad.


Walang lingon lingon akong pumasok sa loob ng aming sasakyan noong huminto ito sa harapan ko. Nagsuot ako ng seat belt at diretso ang tingin sa unahan. Habang pa-u turn si Kuya Isagani, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Lumingon ako at tinignan kung nakatingin ba si Geib sa amin pero hindi. Nakayuko lang siya at nagtytype sa cellphone niya.


Bumuntong-hininga ako.


Kinabukasan, first day ng exam at maaga akong pumasok para makapag-review ng kaunti sa may library. Mayroon na akong dalawang libro na related sa History at mayroon pa akong hinahanap kaya hindi pa muna ako umupo. Napabaling ako sa mga babaeng nagbubulongan sa gilid ko. Ang iba sa kanila ay nagtatakbuhan papunta sa pinakadulo nitong library.


Nagpatuloy ako sa paghahanap nang mabunggo ako ng babaeng tumatakbo. Dahil sa biglaang bungguan, ang suot kong specs ay nahulog sa sahig. Inis kong sinundan ng tingin ang babaeng walang kamalay malay na may nangyari. Kukuhanin ko na sana 'yung salamin ko sa sahig noong may dumampot nito.

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now