39

817 21 2
                                    

Chapter 39


"Ano'ng masasabi n'yo sa nangyari, Ms. Oracion?"


Diretso lang akong naglakad habang pinipilit nila akong magsalita tungkol sa nangyari. Bahagya akong yumuko dahil nabubulag na ako sa flashes na galing sa mga camera nila. Napahinto ako sa paglalakad nang may biglang humaplot sa braso ko. Kaagad din siyang bumitaw dahil marahan siyang itinulak ng bodyguard ko.


Suminghap ako sa nangyari pero hindi na ako masyadong nakapag-react dahil pinilit na ako ng ilang security na magpatuloy sa paglalakad. I went straight to the company without telling anything to the media. I do not want to give any statement to them first because even I do not know what really happened.


Kagabi nangyari 'yung trahedya at kagabi pa lang, hindi na ako makatulog sa kakaisip kung anong nangyari. Tadtad na rin ako ng messages at calls galing sa iba't ibang kakilala kong reporters para ma-interview nila ako pero tinatanggihan ko. Hindi ako nakatulog ng maayos. Stressed na stressed ako. Nag-aalala sila Geib sa akin dahil buntis ako!


"Ma'am!" Sinalubong ako ni Anya sa may lobby ng building. Tumango ako bago mabilis na naglakad papunta sa board room para kitain ang board members.


Pagkarating ko sa board room, nagkakagulo ang board members. Pinlay nila ng paulit ulit 'yung balita sa may projector screen. Dumiretso ako sa upuan ko at pinatahimik sila. Hinilot ko ang sentido ko nang hindi nila ako sinunod.


"Quiet, please!" I almost shouted.


Nalipat ang tingin ko kay Anya nang lumapit ito at nilahad sa akin ang cellphone ko. Sinilip ko 'yon at nakitang tumatawag si Geib. Umiling lang ako bago pinukol ng masamang tingin ang mga board members na halatang hinihintay ang sasabihin ko.


"What the fuck did you do?" I asked them.


"Ms. Oracion, I guess it's wrong to point your finger at us that you have no idea what happened."


Bumuntong-hininga ako at pagod na sinandal ang sarili sa backrest ng swivel chair. Hinilot ko ulit ang sentido ko bago sinipat ng tingin ang projector screen dahil naroon pa rin 'yung balita tungkol sa cargo namin na lumubog malapit sa Tallis Sea.


"I did not sign that shipment so why are they still operated?" I asked again.


"That is a false accusation, Ms. Oracion." Tumayo ang isa sa kanila at tinuro ang projector screen. "Hindi maglalayag ang cargo na 'yan kung wala kang binigay na go signal sa kanila. Blame yourself. They did it because you said so."


"What the fuck," I whispered, not believing at what he said.


"Hindi ito ang oras para magsisihan tayo sa nangyari," sabi ng isa pa. "All of us here is on fault, not only Ms. Oracion. Get a grip, everyone! We are not in a position to do that to her."


"No! She points her finger at us as if we have done something in the tragedy facing the company today. Like what I said earlier, they did it because Ms. Oracion said so. They will not sail if she does not sign the shipment paper." Nasapo ko ang noo ko dahil sa sinabi niya. Talaga lang, ha?

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now