27

841 24 4
                                    

Chapter 27


"Are... Are you sure?"


Mabilis akong lumuhod sa harapan niya para patahanin siya. Pinagtitinginan na rin kami ng mga empleyado dahil sa pag-iyak niya. Tinuyo ko ang pisngi niya gamit ang likod ng palad ko.


"Shh. I do not know. I'm so sorry, Apple." Marahan kong tinapik ang likod niya para tumahan na siya sa pag-iyak.


"Hindi n'yo po ako nakilala..." humihikbi niyang sabi sa akin.


Tumango na lamang ako at niyakap siya. Niyaya ko siya sa may office ko dahil pinag-uusapan na kami ng mga empleyado. Isang tingin ko lang sa kanila, kaagad silang umaktong may ginagawa kahit ramdam ko ang mga titig nila sa amin kanina.


"Anya, paki-dalhan kami ng tubig." Binaba ko ang tingin ko kay Apple. "May gusto ka bang kainin?" Noong umiling siya, tumango kaagad ako.


Tinuro ko kay Apple 'yung couch, senyas na maaari siyang umupo roon. Hinubad muna niya ang backpack niya bago sumampa sa upuan. Napangiti ako nang umupo siya roon at inosenteng tumingin sa paligid, nakalapag ang dalawang kamay sa kandungan.


"Diyan ka muna, huh? Mag-tatrabaho lang ako." Bumalik ako sa swivel chair ko at pinagpatuloy 'yung ginagawa ko. Maya-maya ang pagsulyap ko sa kanya para makita ang ginagawa niya. Ngumuso ako noong umupo siya sa may sahig at nagbuklat ng kanyang mga assignment.


Hinayaan ko na lang siya roon dahil may trabaho rin akong kailangang tapusin. Inangat ko ang tingin ko kay Anya na pumasok sa office ko, may dalang tubig at dalawang crackers. Sinenyasan ko siyang ibigay 'yon kay Apple. Lumabas din naman siya kaagad pagkatapos.


"Do you need something?" tanong ko kay Apple nang mapansin kong lumingon siya sa akin.


"May pencil ka po?" Bahagyang namula ang pisngi niya kaya natawa ko. "Kailangan ko raw mag-drawing, e hiniram ng classmate ko 'yung pencil ko."


"Here." Kumuha ako ng isang lapis na nasa may gilid lang ng lamesa ko. Tumayo naman siya at lumapit. Napansin ko pang dinungaw niya 'yung folder na hawak ko. Natawa ulit ako bago napailing. "How old are you?" I asked.


"13 po," sagot naman niya kaya napatango ako. So 5 years old lang siya noong nagkita kami sa may charity?


Kumatok si Anya sa pintuan bago pumasok sa loob ng office, nakasukbit na ang bag sa balikat. Sinulyapan pa niya si Apple na abala sa pagkukulay sa dinrawing nito. Nginitian ko siya bago binaba ang tingin sa panibagong folder na tinatrabaho ko.


"Aalis na po ako, Ma'am. Salamat po sa araw na ito." Tumango ako at ngumiti bago siya hinatid ng tingin sa may pintuan. Nilingon niya ulit si Apple at nang tumingin ito sa kanya, masaya niya itong kinawayan.


"Are you hungry?" tanong ko kay Apple. 5 PM na. Balak ko sanang mag-stay pa ng mas matagal pero baka nagtitiis na ng gutom ang batang ito, nahihiya lang magsabi.

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now