29

901 23 7
                                    

Chapter 29


"Are you sure you're okay?"


Sinulyapan ko si Apple nang tumango siya bilang sagot sa tanong ko. Nakayakap siya sa akin ngayon habang nanonood kami ng movie sa may kwarto ko. Nasa baba si Geib at naghuhugas ng plato. Katatapos lang namin mag-dinner at maya-maya, uuwi na sila dahil papasok na kaming lahat bukas.


Nang kumatok si Geib, tumayo na ako at hinila si Apple. Inayos ko 'yung mga gamit nila sa may duffle bag bago pinagbuksan ng pinto si Geib. Hinatid ko sila sa may labas at kumaway habang papalayo ang kanilang sasakyan sa bahay ko.


Kinabukasan, gulat na gulat si Anya nang makita niya akong pumasok. Nginitian ko lang siya bago dire diretsong pumasok sa office ko. Sumunod naman siya kaagad sa akin, bitbit ang kanyang iPad. Nakinig ako sa kanya habang sinasabi niya 'yung schedule ko for today. Bumaba ang tingin ko sa aking cellphone nang mag-vibrate ito.


From: Geib Esteban

Apple wants to see you before she goes to school. We are in the lobby.


Napatayo kaagad ako kaya nagulat si Anya. Nginitian ko lang siya at pinalabas na. May copy naman ako ng schedule ko, e. Mabilis kong kinuha 'yung salamin ko at tinignan ang sarili ko roon. Maayos naman ako kaya lumabas na rin kaagad ako at dumiretso sa may elevator.


"Mama!" sigaw kaagad ni Apple pagkakita niya sa akin. Nginitian ko siya at ginulo ng bahagya ang kanyang buhok nang yakapin niya ako. Napatingin tuloy 'yung ibang empleyado sa amin pero hindi ko sila pinansin. Pinuntahan namin si Geib na prenteng nakaupo sa may couch.


"Your breakfast," sabi niya at tumayo bago iabot sa akin 'yung paper bag na hawak niya. Tumaas ang kilay ko at nagugulohang kinuha 'yon. Sinilip ko 'yung loob at mga lunchbox lang ang nakita ko.


"Thanks," sabi ko at tinignan si Apple na malaki ang ngiti habang nakatingin sa aming dalawa.


"Good morning, Ms. Oracion." Nagulat ako ng isa isang nagsidatingan ang mga board members at binati ako bago dumiretso sa may elevator. May meeting ba kami? Hindi ko alam, ah!


"We will go now. Apple," marahang tinawag ni Geib si Apple. Nginitian ko na lang sila at kinawayan habang palabas sila ng building.


Pagkabalik ko sa office, ni-remind kaagad ako ni Anya sa meeting ko with the board members kaya na-realize ko kaagad 'yung nangyari sa lobby. Kinuha ko lang 'yung cellphone ko at dumiretso na kami sa may board room. Habang nag-didiscuss sila, kinain ko 'yung binigay ni Geib.


Pagkatapos no'n, nag-stay na ako sa office ko since 'yung schedule ko dapat kahapon ay ni-move ko sa susunod na linggo kaya hindi masyadong siksik ang araw ko ngayon. Sa sobrang abala ko sa mga ginagawa, hindi ko namalayan na lunch time na pala. Kung hindi pa pumasok si Anya sa office para magpaalam na mag-lulunch break na siya, hindi ko pa malalaman.


Tumango lang ako at pinagpatuloy 'yung ginagawa. Masyado akong madaming kinain kanina kaya hindi pa ako nagugutom. Actually, pwede ng pang-lunch din 'yung binigay ni Geib pero inubos ko pa rin 'yon kanina sa may board room. Habang hinihintay kong mabuhay ang laptop ko, nag-vibrate ang phone ko.

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now