06

1.6K 29 35
                                    

Chapter 06


"Nauna kami diyan."


Hinila ko ang laylayan ng coat ni Gill dahil nakikipag-unahan siya sa may pila. Napatingin sa amin 'yung dalawang babaeng pumila sa likod ni Geib. Napatingin tuloy siya sa amin, nagtataka sabay ngiti sa akin pero sinimangutan ko lang siya. Bahagya siyang tumawa bago tumingin ulit sa unahan niya, naroon pala si Sienna at Ivo na kinakausap siya.


Lunch break kasi at nasa cafeteria kami ni Gill para bumili ng tubig. Nasa Student Council na 'yung mga baon namin at sila Kenley dahil mayroon kaming meeting. Final na 'yon since music festival na bukas.


Nagulat ako noong biglang tinapik ni Gill ang likod ni Geib. "Ang bango mo naman. Anong perfume mo?"


"Secret," sagot sa kanya ni Geib.


"Mahiya ka naman," sabi ko kay Gill. Tumawa lang siya sabay lingkis sa braso ko habang hinihintay na maubos ang mga tao sa unahan namin. Napatingin ako kay Sienna noong bigla itong umalis sa pila para puntahan ang kanyang kaibigan at kaagad siyang sinundan ni Ivo, nagkakamot ng ulo.


"Ang tagal naman! Bibili lang kami ng tubig pero inabot kami rito ng siyam-siyam," reklamo ni Gill at tumingkayad para bilangin kung ilang estudyante pa bago kami. "Ang tagal talaga. Nagugutom na ako," pagpaparinig niya sa mga babaeng nasa unahan.


"Shut up nga!" Hinila ko ulit ang laylayan ng coat niya dahil tumingkayad na naman siya. Ang mga babaeng nasa unahan ay napalingon sa amin pero lumipat kaagad 'yon kay Geib na nakatayo sa may likuran nila, nakapamulsa.


"You can go first." Biglang humarap si Geib sa amin at naglakad sa may gilid para paunahin kami sa pila. Ayoko sana dahil hindi 'yon patas sa kanya na kanina pa nakapila roon pero hinila na ako ni Gill.


"Thank you," medyo mahina kong sabi. Ngumiti lamang siya sa akin bago kinagat ang pang-ibaba niyang labi.


"Huy!" Napaigtan ako noong biglang sumigaw na naman si Gill. "Kasama ko si president. President ng Student Council! Kapag ito ginalit n'yo, walang music festival bukas!"


"Baliw ka!" sabi ko pero tinawanan niya lang ako.


Bumili lang kami ng tubig sa may counter at bumalik na rin kami kaagad sa office.


"How's the quadrangle?" tanong ko habang binubuksan ang lunchbox ko. Inutusan ko kasi sila Sidnee at Kelvin na i-check 'yon para sa music festival bukas. Nakahanda naman na ang lahat. Kailangan lang talaga i-finalize para hindi kami malito sa mismong araw ng event.


"Okay na, Pres. Nagrerehearsal na rin 'yung mga tutugtog sa may music room," sagot ni Sidnee sa akin. "Ito na rin 'yung list na inabot ni Mrs. Gallo sa akin kanina."


Halos lahat ng estudyante sa school ay dadalo kaya hindi na namin alam ang gagawin. Noong una, balak pa naming maglagay ng upuan para hindi mapagod ang mga estudyante pero maraning nag-request na 'wag na raw para mas ma-enjoy nila.

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now