00

4.7K 65 340
                                    

Chapter 00


"Magandang umaga po."


Nilapag ko sa bakanteng upuan ang bag ko at hinalikan sina Lolo sa pisngi nila. Pinasadahan ni Lola ng tingin ang kabuuhan ko. Unang araw ng pasukan kaya naka-school uniform na 'ko Isa 'yung kulay maroon na palda na hindi lumalagpas sa tuhod ang haba, white knee socks, white long sleeve blouse na naka-tuck in sa palda.


May kasama pa 'yung maroon blazer at neck tie. Suot ko na rin 'yung I.D ko na maroon din ang lace.


Unang taon ko sa high school. Kumakabog ang puso ko sa kaba.


Hindi kasi ako taga-Maynila pero masasabi kong hindi 'to ang unang beses ko rito. Maraming beses na 'kong nakapunta rito dahil sa negosyo namin. Sa Tallis, ang probinsya na pitong oras ang layo sa Maynila, talaga kami nakatira. Doon ako lumaki, pero first time ko mag-aaral dito.


Kumain na 'ko ng breakfast kasama sina Lolo at Lola. Sila ang nagpalaki sa 'kin. Namatay sa car accident ang ama ko, samantalang namatay ang nanay ko pagkatapos niya 'kong ipanganak. Sinisi ko pa noon ang sarili ko pero natanggap ko rin kalaunan.


Maganda naman ang mga paaralan sa Tallis. Maliit lang ang pasilidad pero masaya naman. Kilala n'yo kasi ang isa't isa kahit ano pa ang section mo. Pero gusto rin ni Lola na ma-experience ko ang buhay sa labas ng probinsya namin. Gusto niyang maranasan ko ring mamuhay sa syudad, lalo na't gustong-gusto kong tumira dito.


Hindi naman mahirap mag-adjust kasi hindi naman 'to ang unang beses ko sa Manila. Alam ko na 'yung mga kilos ng mga tao. Kabisado ko na ang ugali nila. Alam ko kung kailan ako ligtas at kailan ang hindi. Alam ko kung paano sila pakikisamahan. Kahit araw lang ang tinatagal namin tuwing lumuluwas kami, marami na 'kong alam. Pero sigurado akong mahihirapan ako sa pag-a-adjust sa paaralan na papasukan ko. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa 'kin do'n. Wala akong alam kung anong klaseng mga estudyante ang makakasama ko. At do'n ako mas kinakabahan.


Bukod doon, hindi ako sanay. Ang dami kong naiwan sa Tallis. 'Yung mga kaibigan ko... Wala sila dito. Mag-isa lang ako. Ulit. Kasi dito sa Maynila, back to square one ako. Kailangan ko na namang ipakilala ang sarili ko. Kailangan ko na namang i-express ang sarili ko. Kailangan ko makipagkaibigan ulit. Kahit na maganda 'yon dahil lalawak ang circle of friends ko, parang may bumabara pa rin sa lalamunan ko. Actually, mas okay sa 'kin na paligiran ako ng mga taong kilala na 'ko kaysa sa mga taong totally stranger sa 'kin.


"Thank you, Lo. Ingat sa daan." Nag-salute lang siya na bahagya kong ikinatawa. Hinatid niya kasi ako sa school pagkatapos mag-breakfast. Hinintay kong makaalis siya bago tignan ang malaking gate sa harap ko. Ilang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago pumasok sa loob.


Kahapon, nag-school tour ako sa North International School kasama sina Lola. Talagang nagulat ako sa lawak nito. Sobrang layo nito sa paaralan na nakasanayan ko sa Tallis. Parang mas malaki pa ang NIS sa bayan namin!


Bahagya akong napangiti nang makarating ako sa oval field. Pinagmasdan ko ang paligid habang lumalanghap ng sariwang hangin.


May mga athlete na nag-jo-jog paikot sa field. May mga estudyanteng nakaupo sa bench habang masayang nag-uusap. May mga grupo ng kababaihan sa gilid at paimpit na tumitili tuwing dadaan sa harapan nila ang athletes. May iba naman na normal lang na naglalakad, halatang napadaan lang.

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now