07

1.4K 25 34
                                    

Chapter 07


"Bakit may water gun diyan?"


Tinignan ko ulit ang boxes na pinagtutulungan nilang mailipat sa may gilid ng stage. Hindi pa kami nagpapapasok ng students dahil tinitignan pa nila 'yung music system.


"Para ito sa huling banda, Pres. Sigurado akong masaya ito," sagot ni Gill. Tumango ako at gumilid para maitabi na nila 'yung mga kahon sa may stage. Bahagya pang kumunot ang noo ko habang pinapanood sila. Ang wild ng mga tao ngayon, 'no? Pagkatapos ng ilang minuto, nagpapasok na sila Kenley at Kelvin ng mga estudyante.


Nakita ko kaagad si Geib na kasama sila Raven. Umiwas na lamang ako ng tingin at nakipag-usap sa mga banda na tutugtog mamaya.


Pagkatapos ng halos isang oras, umakyat na si Sidnee para i-introduce ang unang banda na kakanta. Ang hirap kasi sawayin ng mga estudyante. Hindi pa nag-uumpisa ang music festival, nagwawala na sila at sumisigaw na umpisahan na ito.


Bumaba na ako sa may stage habang nagse-setup 'yung unang banda. Kasama ko sila Sidnee at Kelvin.


"Autumn," biglang tawag ni Ivo noong madaanan namin sila. "Tawag ka," aniya sabay turo kay Geib na nakatingin lang sa may stage. Tumingin siya sa amin nang tapikin ni Sienna ang balikat niya, tumatawa tawa pa. Tinaasan niya ako ng kilay bago umiwas ng tingin. Napatikhim si Ivo dahil doon.


Inis akong napangisi bago naglakad ulit. Nag-umpisa ang unang banda at kalmado lamang ang tinutugtog nito. Nandoon kami nila Kelvin at Sidnee sa may unahan, mga nakaupo sa may lamesa at nag-uusap. Habang tumatagal, mas lumalakas ang hiyawan ng mga tao. Lalo na noong mas nagdilim at pinatay na ang ilaw sa may quadrangle.


"More! More! More!" request nila pagkatapos mag-perform noong unang banta. Mabilis na tumakbo si Sidnee pabalik ng stage at pinakilala ang pangalawang banda.


"Huy! Anong ginagawa n'yo diyan?" biglang sumulpot si Gill sa harapan namin at hinila kami. "Tara. Doon tayo sa may unahan! Mag-enjoy naman tayo. Deserve rin natin magwala katulad nila." Wala akong nagawa kundi magpahila sa kanya.


"This song is for you all!" sigaw ng bokalista.


Napatikhim ako noong bigla akong inakbayan ni Gill. Ganoon din ang ginawa niya kay Kelvin na nasa kabilang gilid. Nasa tabi nito si Sidnee at si Kenley ay nasa tabi ko.


"Lagi na lang ganito...

Isipan ay gulong-gulo...

Lagi na lang nabibigo...

Ngunit ikaw pa rin, sigaw ng puso..."


Nagsigawan ang lahat, sinasabayan ang bokalista sa pagkanta. Hinawakan ni Kenley ang kamay ko at tumalon talon na parang bata. Namilog ang dalawa kong mata noong biglang tumalon si Gill. Parang matatanggal ang ulo ko!


"Ilang liham na ang sinulat sa 'yo...

Ilang luha na rin ang natuyo...

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now