18

852 23 12
                                    

Chapter 18


"Geib, you are grounded for a month."


Hindi na lang umimik si Geib dahil alam niyang may kasalanan din naman siya sa nangyari. Sinipat ulit ni Tito ng tingin ang kanyang mustang bago napailing iling. Sumimangot ako dahil sigurado akong mahal magpagawa ng sasakyan. Pagkatapos doon, bumalik na kami sa bahay ng mga Esteban. Naroon ang mommy ni Raven pagkapasok namin. Nginitian niya kami, lalo na ako kaya ganoon din ang ginawa ko bago sumunod kay Geib.


"I'm sorry." Kaagad kong niyakap si Geib sa likuran niya pagkapasok namin sa kwarto niya. "Ako na lang magpapagawa ng sasakyan since ako naman 'yung nag-aya sa 'yo na ipag-drive ako sa labas." Guilty ako sa nangyari. Walang sinabi si Tito kung ano ang grounded kay Geib pero hindi naman siguro malala 'yon, 'di ba?


Kinalas niya ang mga braso ko at humarap sa akin. Mahina niyang kinurot ang pisngi ko bago niya ako niyakap ng mahigpit.


"Okay lang 'yon. Isang buwan lang naman," sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko. Mas sumimangot ako.


"Paano ka ba i-grounded nila Tito? Hindi papalabasin tuwing weekend? Hindi ihahatid sa school?"


Kung hindi siya papalabasin tuwing weekend, ako na lang ang pupunta rito. Kung hindi naman siya ihahatid sa school, willing akong sunduin siya rito. Panigurado namang papayag si Kuya Isagani, e. Kung babawasan ang allowance niya, papahiramin ko muna siya ng pera. O ako na ang magbayad ng meal namin since ganoon ang lagi niyang ginagawa noon.


"Pagtatrabahuin ako sa company namin." Bumuntong-hininga siya.


"Pagtatrabahuin?" tanong ko.


Kinalas niya ang yakapan namin at hinila ako paupo sa may kama niya. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit na para bang aalis ako. Inumpisahan niyang masahiin ang mga daliri ko.


"Whenever I do something beyond their expectations, it is not what most people are grounded in that is happening to me. Pinagtatrabaho nila ako sa company namin and I think it's perfectly fine for me since Dad did not agree to our deal. If I want a car, I have to work hard for it."


Sinapo ko ang kanyang mukha at pinatingin ito sa akin. Ngumiti ako. "I'm proud of you, Geib. Gusto ko kung paano ka pinalaki nila Tito at Tita and I'm thankful for that."


Alam ko kung gaano kayaman ang mga Esteban dahil sinabi na ito ni Sienna sa akin pero kahit kailan, hindi ko narinig o nakitang nag-brag si Geib. Hindi siya spoiled son.


Kapag may gusto si Geib, pinagtatrabahuan niya 'yon bago makuha. Dinampian ko ng marahang halik ang kanyang labi at nagulat ako noong pinalalim niya 'yon! Dahan dahan niya akong inihiga sa kama at umibabaw sa akin. Gumalaw ang labi niya at inangkin ang labi ko na parang sa kanya! Napapikit na lamang ako at sinubukang gayahin ang galaw ng labi niya.


Napatingala ako noong bumaba ang halik niya sa leeg ko. Nakagat ko na lang ang pang-ibaba kong labi. Gusto ko siyang pigilan pero wala akong lakas. Nanghihina ako sa sensasyon na binibigay niya sa akin. Para akong uhaw na uhaw noong bumalik ang labi niya sa labi ko at mabilis kong tinugon ang kanyang halik.

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now