23

760 19 31
                                    

Chapter 23


"Ikot na tayo. Shift na natin bukas. Hindi natin ma-eenjoy 'yung last day."


Hinila ako patayo ni Zaon dahil nakaupo lang kami sa may gilid ng field. Actually, kanina pa niya ako kinukulit na samahan siya kaso panay ang tanggi ko dahil ilang beses kong nakita si Geib na kasama si Blythe. Hindi pa rin kami nag-uusap at hindi ko alam kung paano siya lalapitan para makipag-break sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung papayag ba siya. Mukha namang oo. Masaya na siya, e.


"Ikaw na lang kasi muna."


Tinulak ko siya pero kaagad din siyang bumalik sa harapan ko para hilahin ako patayo. Inasar pa kami ng blockmate namin na napadaan lang sa may gilid.


Sa huli, nahila ako ni Zaon papunta sa mga game stall. Enjoy na enjoy, samantalang nakatayo lang ako sa may gilid, nakahalukipkip at pinapanoo siya. Sa gitna ng paglalaro niya, lumilingon siya sa akin, takot na bigla akong mawala at taguan siya.


"Sa 'yo na ito," aniya at sinampal sa pagmumukha ko ang stuffed toy na napalalunan niya.


Inirapan ko siya bago kinuha 'yung stuffed toy at hinila na naman niya ako papunta sa kabilang game stall. Napahinto ako nang makitang nandoon sila Geib at Blythe na kasama sila Sienna, Ivo at Raven. Napaatras ako at napatingin kay Zaon. Wala itong pakialam na tumabi kay Geib at nagbayad para makalaro.


Nakatingin lang ako kay Geib na seryosong binabaril 'yung mga sundalo. Kami pa ba? Hindi ko alam. Baka hiwalay na kami, hindi ko lang alam, 'no? Napalingon si Geib kay Zaon at sa akin. Umigting ang panga niya at mas lalong nagseryoso. Tumalikod na ako dahil parang hindi na kami katulad noon. Ibang iba na. Pati sila Sienna na halatang kumampi kay Geib.


"Uy, Ebony!" tawag ni Aaron, kaibigan ni Zaon na naging kaibigan ko na rin. "May ipapakita ako sa 'yo." Tumawa siya at mabilis akong hinila.


"Saglit! Hindi pa ako tapos!" sigaw ni Zaon pero hindi namin siya pinansin.


Kaagad kong hinampas kay Aaron 'yung stuffed toy nang ipakita niya sa akin 'yung bago niyang pet na alupihan!


"Kadiri ka!" sabi ko sa kanya. "Saan mo 'yan nakuha?" Nilingon ko si Zaon noong ibagsak niya ang kamay niya sa ulo ko. Nandidiri kong itinuro sa kanya 'yung alupihan na bagong pet daw ni Aaron. Tumawa lang siya at tatlo na kaming nag-ikot sa mga stall.


Pumasok kami sa may mini-café na kasali sa may fair. Hindi ako nakagalaw sa may pintuan nang makita ko ulit sila Geib. Hinila ako ni Aaron kaya wala akong nagawa.


"Kami ang bahala sa 'yo," bulong pa ni Zaon at lumapit sa may counter para mag-order. Dalawa lang 'yung available na lamesa at 'yung isa ay occupied na nila Geib. Umupo kami sa may kabilang lamesa. Ang awkward, samantalang sila ay tumatawa.


"Single ka ba? May irereto ako sa 'yo?" malakas na tanong ni Aaron sa akin. Kaagad kong tinakpan ang mukha ko sa kahihiyan. "Mabait ito. Responsable. Marunong makiramdam. Hindi manhid," dugtong pa niya bago tumawa ng malakas. Inabot ko ang buhok niya para hilahin pero kaagad siyang nakalayo. Tumahimik tuloy bigla 'yung buong café.

Beneath the Skyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن