28

895 28 15
                                    

Chapter 28


"Kailangan n'yo pong suotin 'yan, Ma!"


Nakangiwi kong tinignan 'yung t-shirt na inabot ni Apple sa akin. Kararating ko lang sa parking lot at ito kaagad ang sumalubong sa akin. Tinignan ko si Geib na nakasuot ng parehong damit na suot ni Apple. Naka-sunglasses pa siya at nakatupi ang dulo ng sleeves kaya medyo nadepina ang kanyang muscle.


"Kailangan pa ba?" My brows furrowed.


"Opo! Dapat po pare-pareho ang suot nating damit. Tignan n'yo po sila, pareho po ang mga damit nila kasi family sila." Tinuro niya 'yung ilang pamilya na nakasuot ng mga parehong damit.


Tinignan ko si Geib pero nakaiwas ang tingin niya sa amin. Bumuntong-hininga ako at kinuha 'yung t-shirt kay Apple. Naglakad ako papunta sa restroom at doon nagbihis. Hinubad ko 'yung printed t-shirt na suot ko at sinuot 'yung kulay dilaw na t-shirt na may Family Day sa unahan at may pangalan ko sa likod. Tinuck-in ko 'yung damit sa white ripped jeans at tinupi 'yung sleeves dahil medyo mahaba ito sa akin.


Lumabas ako ng restroom habang tinutupi 'yung printed t-shirt na hinubad ko. Tinignan ko si Apple na pumalakpak nang makitang suot ko na 'yung t-shirt. Si Geib naman ay hindi ko alam kung saan nakatingin dahil naka-sunglasses nga siya. Medyo napansin kong medyo namumula ang kanyang tainga.


Nilagay ko muna 'yung t-shirt sa sasakyan ko bago pumasok sa loob ng campus kasama sila. Habang tumitingin sa paligid, hindi ko mapigilang hindi maluha. Naalala ko kaagad 'yung mga memories ko kasama 'yung members ng Student Council. Wala na akong communications sa kanila maliban kay Gill pero umaasa ako na baka magkita kita ulit kami.


Kunot-noo kong tinignan 'yung mga ina na nakakasalubong namin sa hallway. Kung makatingin kasi ay parang nasa maling lugar ako. 'Yung iba ay rinig na rinig kong ako 'yung pinag-uusapan. Anong problema? Hindi ko na lang pinansin kahit medyo na-bobother ako dahil hindi naman ako sanay na pinag-uusapan ng lantaran. Humigpit 'yung pagkakahawak ni Apple sa kamay ko kaya bumaba ang tingin ko sa kanya at saka siya nginitian.


Dumiretso kami sa may open field dahil doon gaganapin 'yung Family Day which is mga palaro. Clueless ako dahil walang ganito sa amin noon. Noon, sa mga ganitong araw ay abala na ang lahat para sa sports competition pero ngayon, parang petiks petiks lang ang lahat. Nakakainggit dahil parang walang halong stress at pressure.


"Apple!" Sabay kaming napatingin ni Apple sa mga kaibigan niya yata. Sa isang iglap, naiwan akong mag-isa kay Geib na tahimik na nakatayo sa may gilid, nakapamulsa. Para siyang estatwa roon habang tinitingala ng mga babae. Mukha siyang naliligaw. Hindi mukhang may anak na siya sa postura niya. Mukha siyang college student.


"Excuse me," sabi ko bago tumalikod at naglakad palayo, sinagot ang tawag ni Anya. "Hello."


May sinabi si Anya pero hindi ko na masyadong naintindihan dahil biglang nag-umpisa 'yung program. Tinapos ko na lang 'yung tawag at nag-sent ng message sa kanya na i-email na lang sa akin 'yung sinasabi niya. Bumalik ako kung nasaan si Geib at nakitang nandoon na si Apple sa tabi niya. Magkahawak-kamay pa sila.


Tinawag si Apple ng class adviser nila kaya naiwan na naman ako kay Geib. Hindi naman siya umiimik kaya mas okay na 'yon. Nag-umpisa 'yung program at kasama si Apple sa maglalaro. Kalaban nila 'yung kabilang section.

Beneath the SkyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora