24

763 21 11
                                    

Chapter 24


"Anong nangyari kay Geib? Bakit na-aksidente raw?"


Medyo late na ako nakarating sa hospital dahil hinintay ko pa sila Lola dahil gusto nilang samahan ako sa hospital. Tinignan ko si Geib sa may glass window. Puro siya sugat at pasa. Naka-neck support siya habang chine-check siya ng dalawang nurse.


"Na-aksidente siya sa may SLEX! Mabilis yata ang patakbo. Wasak 'yung unahan ng mustang," sabi ni Ivo.


Hindi ko alam kung ano ang i-rereact ko. Paniguradong may koneksyon sa nangyari kay Geib ang hiwalayan namin.


Tinignan ko si Tita Gein na nakaupo sa may sahig, pinapaypayan siya ng mommy ni Raven. Na-guilty kaagad ako kahit hindi ako sigurado. Hindi naman magkakaganito si Geib kung hindi sa akin!


"I-I'm sorry." Nagbadya kaagad ang luha sa gilid ng mata ko.


Dahil sa sinabi ko, napatingin silang lahat. Nanginig ang tuhod ko at pabagsak na sana ako noong sinalo ako ni Lolo.


"Bakit, Autumn? Anong nangyari?" tanong ni Tita Gein.


Tumayo si Tita at lumapit sa akin. Pinigilan pa siya ni Tito Sebastianus at ng mommy ni Raven pero wala silang nagawa dahil nasa harapan ko na si Tita. Pinunasan ko 'yung pisngi ko pero patuloy na tumulo ang luha ko. Napailing iling ako at ayaw na sanang magsalita kasi hinablot ni Tita Gein ang braso ko kaya pilitin ako. Kaagad na umalma si Lola sa nangyari at inalis ang kamay niya sa akin.


"Nakipaghiwalay po ako sa kanya... Pero hindi ko naman alam na-"


"Gein!" Parang kulog ang boses ni Tito Sebastianus. Nasapo ko 'yung pisngi ko na sinampal ni Tita.


"Ikaw ang dahilan kung bakit muntikan ng mamatay ang anak ko! Wala kang utang na loob, Autumn! Tinanggap kita ng maayos para sa anak ko. Tinanggap kita sa mababahay ko ng maayos tapos ito lang ang igaganti mo sa amin? Pinagsisisihan ko na lahat ng ginawa ko sa 'yo. Please, umalis ka na rito. Ayokong makita kita rito. Hindi mo deserve ang anak ko."


Umawang ang labi ko noong tumayo sa gitna namin si Lola at sinampal din niya ng malakas si Tita Gein.


"Wala kang alam kung ilang beses pinaiyak ng anak mo ang apo ko! Kung deserve ang pinag-uusapan dito, mas hindi deserve ng anak mo ang apo ko! Pwes, pinagsisisihan ko rin na tinanggap ko 'yang si Geib ng taos sa puso!"


Nag-ugat yata ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. They used to be close back then. Halos araw-araw silang magkasama noon para mag-shopping tapos... Tapos nasira lang ng ganito.


"Autumn," tawag ni Tito Sebastianus. "Magpahinga ka muna, okay? Bumalik ka na lang dito bukas."


"Tatawagan ka na lang namin kapag nagising na si Geib," sabi ni Ivo sa akin. Tumango naman ako at dahan dahang tumalikod sa kanila.

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now