02

2.1K 47 302
                                    

Chapter 02


"Hello..."


Nahihiyang lumapit si Kenley sa 'min. Nilapag niya sa lamesa ang lunchbox niya at umupo sa tapat namin. Nginitian ko lang siya. New student siya at kaklase namin. Walang pumapansin sa kanya maliban sa 'min ni Gill kaya niyaya namin siyang kumain kasama kami dahil siguradong mag-isa lang siyang kakain ngayon. Ganoon ang nangyari sa 'kin noon kaya naawa ako sa kanya.


Malay ko ba sa mga estudyante dito. Tinatrato nilang may sakit na nakakahawa ang transferees, lalo na kapag mahirap ka. Kakausapin ka lang nila kapag may kailangan sila. Kaya 'yung mga new students ay new students din ang kaibigan, e.


May short ceremony sa auditorium ngayon at kailangan naming um-attend kasi mag-che-check ng attendance ang adviser namin. Ayaw sana ni Gill dahil boring daw 'yon pero napilit ko pa rin siya. Pinauna ko na sila dahil nag-restroom pa 'ko. Nagtungo din ako sa locker room para ilagay do'n ang lunchbox ko. Kukunin ko din 'yon mamaya.


Pagkarating ko sa auditorium, umakyat na 'ko sa may steps papunta sa puwesto ng class namin. Napahinto ako nang makitang ang upuan sa tabi ni Geib na lang ang available. Nasa kabilang row sina Gill at Kenley. Wala na 'kong nagawa kundi maupo do'n dahil mag-uumpisa na ang ceremony.


"Welcome 3rd year," bati ng teacher sa unahan.


Nakinig lang ako throughout the ceremony dahil wala rin akong makausap. Wala rin naman akong sasabihin sa katabi ko. Hindi ko rin siya pinapansin kahit parang bulate si Geib sa sobrang likot. Panay ang ikot niya at baling sa paligid na parang may hinahanap. Bulong din siya nang bulong pero wala akong maintindihin. Weirdo.


"Ano ba?" Bulong ko nang aksidente niya 'kong masiko. Ang kulit-kulit naman ng isang 'to. Kung ayaw niya 'kong katabi, mas ayaw ko siyang katabi! Umayos agad si Geib nang madinig ang iritasyon sa boses ko. Magsasalita na sana 'ko nang bigla niyang hinubad ang coat niya at maingat niyang pinatong 'yon sa hita ko.


Hindi siya nagsalita. Nagkrus lang siya ng braso at tumingin na ulit sa unahan. Sinulyapan ko ang coat niya bago tumingin na rin sa unahan at pinakinggan ang sinasabi ni Dean. Pero ngayon, ako naman ang hindi mapakali. Malamig sa auditorium. Paniguradong lalamigin si Geib. Ang nipis pa naman ng shirt niya.


"Okay ka lang?" Bulong ko. Hindi ako mapakali. Nilalamig ang legs ko pero kung kailangan niya ang coat niya, ibabalik ko naman 'yon sa kanya. Mukhang ilang minuto na lang naman at matatapos na ang ceremony.


Marahan siyang tumango at sinapo ang batok. "Okay lang naman."


Natapos din agad si Dean sa speech niya. Mabilis kong binalik kay Geib ang coat niya. Nakalimutan ko pang magpasalamat dahil pinuntahan ko na agad sina Gill.


Nang mag-uwian na, nakasabay ko sa paglalakad 'yung tatlong lalaki. Masama ang tingin nila sa 'kin na parang ako pa ang may ginawang mali dito. Huminto ako para paunahin sila. Ilang araw na ang nakalipas noong nakipag-away si Geib sa kanila. Nakarating 'yon agad sa Dean at pinag-usap sila. Nadamay pa nga 'ko.


Habang hinihintay na mawala sila sa paningin ko, nakita ko si Geib. Kasama niya 'yung babae na palagi nilang kasama. Sienna yata ang pangalan. I'm not sure. Nadinig ko lang din 'yon.

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now