11

1.2K 26 18
                                    

Chapter 11


"Tanga!"


Napalingon ako kay Kelvin noong bigla itong sumigaw. Muntikan na palang madulas si Gill! Tumawa muna ako bago siya nilapitan at tinulongan. Nagpipigil ako ng tawa habang pinapagpagan niya ang kanyang pants.


"Are you okay?" tanong ko sa kanya.


"Salamat sa pagtawa ng malakas, A," sarkastikong aniya.


Tumawa ulit ako bago lumapit kay Geib na pinapanood kami, tumatawa rin. Tinignan ko 'yung shoulder bag ko na naka-cross sa katawan niya. Kinuha niya 'yon kanina dahil nahalata niyang nahihirapan ako sa paglalakad dahil sa mga bitbit kong bag. Duffle bag lang kasi ang dala niya at naroon na lahat ng gamit niya. Ganoon din sila Raven at Ivo. Paano kaya nila napagkasya ang mga gamit nila roon? Ang mga babae ang may karamihan na dala!


Nag-usap lang kami ni Geib habang paakyat ng bundok. Kapag nawawala sa kanya ang atensyon ko dahil kinakausap ko sila Gill na nasa likuran namin, tinatakot niya ako na may ahas daw sa balikat ko o sa kung saan. Ilang hampas sa braso ang nakuha niya mula sa akin dahilan para mamula ng sobra ang kanyang braso. Naka-sleeveless shirt lang kasi siya! Hinaplos ko ang braso niya dahil na-guilty ako ng sobra.


Pagkatapos ng ilang minuto, huminto na kami. Nilapag namin sa may lupa ang mga bitbit naming bag at wala na kaming pakialam kung marumi ito dahil basta na lang kaming umupo sa sobrang pagod. Halos kalahating oras yata kaming naghi-hike.


"I'll divide you into 30 groups. In each group, there are then members. 5 girls and 5 boys each groups," sabi ni Ma'am habang umiinom kami ng tubig. "Gill, choose a member for your group."


"Autumn, Sidnee, Kenley, Kelvin, Ivo, Sienna, Geib and Anne."


Umusog ako ng kaunti nang biglang umupo sa tabi ko si Geib. Nakaupo lang ako roon ng tahimik habang pinapanood 'yung iba na pumipili ng miyembro nila. Inalok ni Ivo sa akin ang chichirya na kinakain niya. Umiling kaagad ako at sinundan siya ng tingin. Kanina pa siya kumakain, ah? Hindi ba siya nabubusog?!


"Okay. Leaders, talk about who will get the wood for the bonfire and who will set up your camping tent."


Tumayo si Geib at inalok niya ang kanyang kamay sa akin. Tinanggap ko naman kaagad 'yon bago niya ako tinulongang tumayo. Pinagpagan ko ang pwetan ko bago lumapit kila Gill na nag-uusap na. Nang-asar pa si Ivo na kaming mga babae raw ang kukuha ng kahoy!


"Boys na lang 'yung sasama para kumuha ng kahoy, okay? 'Yung girls na 'yung bahala sa camping tent? Get it?" sabi ni Gill. Sumang-ayon ang lahat kaya noong umalis sila Geib, nag-umpisa kaming iset-up 'yung tent. Medyo mahirap siya pero in-assist naman kami ni Sir.


Ang tanging activity na gagawin namin ngayon ay bonfire lang. Bukas na mag-uumpisa ang totoo naming schedule. Bale, parang rest day lang ngayon since pagod ang lahat sa byahe at paglalakad. Dalawang tent lang ang ibinigay sa amin. Magkasama na 'yung boys sa iisang tent, ganoon din 'yung girls sa kabilang tent.


Dahil tapos na kami sa pag-aayos ng tent, naupo na kami at nagkwentuhan habang hinihintay ang mga lalaki. Pagkatapos ng ilang minuto, dumating na sila na may kanya kanyang bitbit na mga kahoy. Tinuruan kami ni Sir kung paano magtayo ng bonfire nang hindi gumagamit ng kahit na anong pang-apoy.

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now