33

954 24 13
                                    

Chapter 33


"Let's talk about it tomorrow, A."


Umiling ako at umiiyak na humarap sa urn nila Lolo at Lola. Tinakpan ko ang mukha ko at mas lalong umiyak. Ayoko. Ayokong pag-abutin pa ito bukas. Baka bukas, hindi na ulit ako handa at 'pag nangyari 'yon, habang-buhay na akong sarado para sa paliwanag niya.


Pinalis ko ang tumulong luha sa pisngi ko at tinignan ulit si Geib na hindi makagalaw sa kinatatayuan niya, nakatingin lang sa akin. Umawang ang kanyang labi para siguro magsalita pero kaagad niyang itinikom 'yon.


"Ang sakit, Geib. Hanggang ngayon, ang sakit sakit."


"Autumn..." Humakbang siya pero mabilis akong umatras at sinenyasan siyang 'wag lumapit sa akin.


"Alam mo ba 'yung naramdaman ko noong tinulak mo ako at hinalikan mo siya sa mismong harapan ko? Alam mo ba 'yung sakit na binigay mo sa akin noong sumama ka sa kanya at iniwan ako roon? Geib, binaliw mo ako sa kakaisip kung nasaan ka... Kung... Kung ano'ng ginagawa n'yo..."


Mariin akong umiling at umatras ulit dahil humakbang siya ulit palapit sa akin. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko na 'yung malamig na pader sa likuran ko.


"Nasasaktan ako kasi hindi ko inaasahan na gagawin mo 'yon sa akin. Parati kong kino-convince ang sarili ko na hindi kita makalimutan kasi hindi naman ako nag-move on pero alam ni God kung paano ako magmakaawa sa kanya na sana makalimutan na kita. Alam Niya 'yung pinagdaanan ko para matanggap 'yung nangyari. Walong taon, Geib. Eight fucking years pero nasaan ako? Ito at nasasaktan pa rin sa parehong dahilan."


Never kong nakita ang sarili kong masasaktan ng ganito. Ilang beses kong tinatanong ang sarili ko noon. Ano'ng ginawa ko para gawin niya 'yon? Ano'ng ginawa ko maranasan ito mula sa kanya. May mali ba sa akin? May kulang ba? Hindi ba ako naging maayos na girlfriend?


Ilang beses kong sinubukang pumasok sa isang relasyon pagkatapos ng mga nangyari pero tinatapos ko rin, may takot sa puso. Dahil paano kung maulit ulit? Paano kung masaktan ulit ako?


Sabi nila kakambal ng pagmamahal ang sakit. Tama naman. Pero kung paulit ulit na, hindi na 'yon pagmamahal.


Mahal ko si Geib. Hanggang ngayon, siya pa rin. At mas minahal ko siya ngayon. At sigurado akong mas mamahalin ko pa siya pero... Baka dumating ulit kami sa punto na mapagod. Baka 'yung pagmamahal namin sa isa't isa ay ganoon pa rin. Dangerous. Wild. Scary. Ayokong dumating ulit kami sa point na magkakasakitan. Mahal ko siya. Ayoko siyang masaktan. Sana nga ganoon na lang palagi.


"That night..." Kusang tumulo ang mga luha sa mata niya. Hindi ako nakagalaw dahil sa sobrang gulat. "The reason I was in the club was that I was so jealous of Zaon. How many times have I seen you with him and I just say it's okay with me but not really. Ayokong lagyan ng malisya 'yung pagiging close mo sa kanya pero lalaki ako. Alam ko kung kailan may gusto ang isang katulad kong lalaki sa isang babae."


My lips parted in shock.


"Yes, A. Narinig mo ako. Alam kong may gusto si Zaon sa 'yo at gusto ko maging kampante dahil na sa akin ka at masyado kang manhid para maramdaman 'yung pag-ibig niya sa 'yo. That night, I got drunk because of what I saw. Your so closeness to him and if maybe I don't come he will kiss you. Nagpakalasing ako hanggang sa dumating si Blythe. She comforted me and said things about the two of you. I'm mad. I'm fuming mad..."

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now