17

882 21 6
                                    

Chapter 17


"Pumayag na Si Mom na mag-condo na ako."


Napakunot ang noo ko at napatingin kay Geib habang nagkukwento siya. Ilang beses na niyang sinabi sa akin na gusto niyang mag-condo kaso hindi raw siya pinapayagan ni Tita Gein dahil kahit paghugas ng plato ay hindi niya alam. Knowing the only son, buhay prinsipe sa kanila.


"Buti at pinayagan ka ni Tita. Anong ginawa mo?" Yumuko ulit ako at kumain. Nasa cafeteria kasi kami at lunch break.


Sila Sienna ay lumabas ng campus dahil nagsasawa na raw sila sa pagkain dito. Hindi ako sumama dahil may kailangan pa akong tapusin na recipe. At hindi sumama si Geib dahil hindi ako sumama.


"I made a deal with her," sabi niya bago pinakialaman ang kanyang pagkain.


"Ano?" curious na tanong ko. Bahagya siyang tumawa, naalala ang nangyari. Napailing ako dahil mukha siyang nasisiraan ng bait. Tinapik ko ang kamay niya noong kukunin niya sana 'yung siomai sa plato. Ngumuso siya na parang bata. Napabuntong-hininga na lang ako bago binigay 'yon sa kanya.


Inabot ko 'yung mango shake na pinaghahatian naming dalawa at uminom doon.


"A lahat ng grades ko simula ngayong sem hanggang sa maka-graduate ako." Umawang ang labi ko dahil hindi biro ang deal na ginawa niya kasama ang kanyang mommy. Alam ko namang kayang gawin 'yon ni Geib pero paano kung mag-fail siya? Kukunin sa kanya ang condo?


Kaya simula noong araw na 'yon, napansin kong mas naging seryoso si Geib sa pag-aaral.


May suot na rin siyang specs katulad ko para raw makita ng mommy niya na seryoso siya sa pag-aaral. Tawang tawa ako pero hindi ko mapigilang hindi maging proud. I'm rooting for you, my future Architect.


Noong undas break, niyaya ako nila Tita Gein na sumama sa kanila sa Palawan. Pumunta pa sila sa bahay at nag-dinner para ipaalam ako kila Lolo at Lola ng personal. Pumayag naman sila kaya sobra ang pasasalamat ko. 


Tanghaling-tapat at nagswi-swimming kami ni Geib sa may pool area ng hotel. Kararating lang namin at niyaya niya kaagad akong lumangoy since ito lang 'yung libreng araw namin dahil simula bukas, may itinerary na kaming susundin.


"Ah!" Kaagad kong tinakpan ang mukha ko noong sabuyan ako ng tubig ni Geib. Nakalunok pa ako ng kaunting tubig dahil medyo nakanganga ako. Kaagad siyang lumapit sa akin at tumatawang patagilid akong niyakap.


"Sakit?" Nahimigan ko ang saya sa boses niya kaya hinampas ko ang kanyang dibdib.


Kinabukasan, maaga kaming nagising dahil mayroon kaming private tour. Magkahawak-kamay kami ni Geib na naglakad palabas ng hotel. Ramdam ko 'yung titig ng mga kababaihan sa kanya pero wala siyang pakialam.


Maghapon kaming nasa dagat pero hindi nagbago ang kutis ng aking balat. Namumula lang ako hindi katulad ni Geib na nagiging tan na ang kulay. Panay pa nga ang pag-apply niya ng sunblock. Pagkauwi ko, bumagsak kaagad ako sa kama sa sobrang pagod. Sumunod si Geib at niyakap ako.

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now