34

927 20 2
                                    

Chapter 34


"Ma! Pa! Umaga na po!"


Dahan dahan akong dumilat at uminat hanggang sa aksidenteng tumama ang kamay ko sa mukha ni Geib na natutulog pa rin sa tabi ko. Napangiti ako dahil kahit tulog siya, ang higpit pa rin ng yakap niya sa akin. Hinalikan ko ang dibdib niya bago unti unting tumayo.


"Gosh," I whispered and massaged my forehead when I saw how messed my room is. Dinampot ko 'yung mga damit at nagbihis. Mabuti na lang pala at nag-lock kami ni Geib ng pinto kagabi! Kung hindi, makikita kami ni Apple na nakahubad!


Dumiretso ako sa may bathroom at naghilamos. Pinagbuksan ko ng pinto si Apple pero wala na siya roon. Kumunot ang noo ko bago sinarado 'yung pinto. Bumalik ako sa kama at gumapang pahiga sa tabi ni Geib. Dumilat siya saglit at niyakap ako ng mahigpit bago ulit natulog.


Hindi na ako nakatulog kaya pinaglaruan ko na lang 'yung mahahabang pilik-mata ni Geib. I traced his proud nose using my finger. I smiled genuinely when he tried to caught my hand. I chuckled and kissed his lips before leaving the bed.


"Wake up. Ginigising na tayo ng anak natin kanina pa," sabi ko habang nakatayo sa harap ng vanity table, nag-tatali ng buhok.


He groaned and do some stretching before leaving the bed. Napasulyap ako sa kanya na walang suot at kinagat ang pang-ibabang labi noong bumaba ang tingin ko roon. Umiwas ako ng tingin at tumalikod para hawiin 'yung kurtina. Pagkalingon ko kay Geib, nagsusuot na siya ng pajama.


"How's your sleep?" Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti kaya napairap ako. Lalagpasan ko na sana siya nang yakapin niya ako at inulan ng halik ang aking noo. "Good morning," he greeted in a husky voice.


"Good morning," pabulong kong bati pabalik. Hinalikan niya ako sa labi ko bago ako binitawan. "Bababa na ako. Sumunod ka na lang," sabi ko bago tuluyang lumabas ng kwarto.


Dumiretso ako sa dining area at nagulat pa ako dahil kami na lang ni Geib ang kulang. Kaya siguro ginigising kami ni Apple kanina! Umupo ako sa tabi ni Raven at nahihiyang ngumiti sa kanila. Valid naman 'yung reason kung bakit na-late ako ng gising. I mean, anong oras na kaming lahat natulog tapos si Geib... Uhm, basta!


Mas lalong namula ang mukha ko nang pumasok si Geib sa dining area. Binati niya 'yung parents ko at si Apple bago umupo sa tabi ko. Kaagad niyang hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.


Nanlaki ang dalawa kong mata at ngumiti ulit nang tignan ako ni Mama. Palihim kong siniko si Geib pero ayaw niya akong bitawan kaya kumain ako ng isang kamay lang ang gamit. Ganoon din naman siya. Ang kulit kasi!


Pagkatapos naming kumain, bumalik na ulit ako sa kwarto para mag-asikaso dahil mamayang tanghali ay babyahe na ulit kami pabalik sa Manila. Nasa ilalim ako nang shower nang biglang bumukas 'yung pinto kaya kaagad akong napabaling doon. Kumunot ang noo ko dahil nakita ko si Geib, walang saplot! Napailing na lamang ako at inabot 'yung conditioner ko.


Pagkatapos kong mag-shower, aalis na sana ako para makapag-shower siya ng maayos pero hinila niya ako at mabilis na isinandal sa malamig na pader. I just closed my eyes when he kissed me and we ended up making love in my jacuzzi tub!

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now